"Hoy, okay ka lang?"
"Panu ako magiging okay na galit saken si Dylan?"
"He'll come around."
"Sana kasi sinabi ko na agad dati."
"Nandyan na yan. Wag mo ng isipin ang regrets. Tsaka intindihin mo nalang muna kasi nasaktan yung tao eh. Normal lang yun."
"First time nya akong tinaasan ng boses, B."
"Oo nga. Nawindang nga ako kanina. Pero, let's try to understand him nalang. Sige na, magprepare ka na. Uuwi na tayo."
"Wala kang lakad?"
"Wala."
"Himala ata, B?"
"Che!"
Iniiwan nya ako para kunin yung things nya sa office nya.
.
.
.
Condo-
"Oh, bat di ka nagdinner?"
"Di naman ako gutom."
"Asus. Althea, wag mong sabihin saken na dahil yan kay Dylan? Kumain ka dun uy. Akin na muna ang remote control at manonood ako."
Nagtataka talaga ako kung bakit nandito lang tong si Barbie ngayon. Usually, gumigimik to pag gabi or nandun sa boyfriendS niya.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin?"
Sinipatsipat ko sya sa noo nya at sa leeg. "Wala ka namang lagnat, B."
"Huh?"
"Wala ka talagang lakad tonight? Wala kayong date nang kung sino man sa mga boyfriends mo?"
"Wala na sila sa buhay ko." Tinuon na nya ang mga mata nya sa tv at nilipat lipat ang channels.
"Pano'ng wala?"
"I broke up with them."
"Weh?"
"Oo nga."