Hell-o Monday.Do you hate Mondays? I don't eh. Napaaga ata ako sa office. Or late lang yung iba? Anyway, it's time to work.
"Looking good, Ma'am Althea. Good morning po." Bati saken ng secretary ko.
Kita nyo na bakit di ko hate ang Monday? Hehe.
"Good morning, too."
Pumasok nako sa office ko. Napansin ko kanina na wala rin pati si Trina kaya tinawagan ko.
I'm glad she picked up right away.
"Hello?" -Trina
"Trina, good morning. Papasok ka ba today?"
"Sorry Althea pero hindi. Tatawag palang sana ako sayo. Something came up. Pakisabi nalang kay Barbie na icheck nya yung email ko. Di ko macontact eh." -Trina
"Sige, no problem Trin. Ingat ka."
Di macontact si B? Nakapatay cguro ang phone. 5am na nakauwi eh and ayun wagas ang sleeping marathon.
"Ma'am Althea, nandito na po yung clients naten for a wedding."
"Alright. Lead them to the conference room. Prepared na ba yung screen and LCD projector?"
"Opo, Ma'am."
"Good. Sige, susunod nako."
I tracked my organizer and there I saw my client's name. Mr. Andrew Abellano. Si Trina pala ang nagbook nito. Wedding. Shoot.
Upon entrance, Mr. Abellano greeted me. He's very warm and he introduced his wife-to-be to me. I am known to be very professional in my field that's why hindi ako nagpahalata na nabigla ako when I realized I'm shaking Iya's hand. Yes, Dylan's Iya. Well, that was what I thought so before. Andrew's Iya pala.
Kaya pala familiar sya. Sya yung nakita ko nung Saturday sa resto.
"Have a seat." Iminwestra ko yung upuan nila. "So, let's start?"
"Yes." Iya excitedly answered.
I am currently presenting to them the setting of the Church since church wedding ang gusto nila. It's a very simple theme since gusto ng couple ng exclusive lang. The wedding is set to be held in Batanes. This might be a simple one but it's gonna be tough because of the location and it's going to be on the last day of this month na. It's very abrupt kasi magma-migrate na pala sila to Canada and gusto nilang makasal muna dito sa Philippines.
Iya is a celebrity. Halos lahat ng galaw nya, alam ng public. Pero ito? Kahit na ako nabigla ako. Her fans will be shocked siguro. Dylan, too...
For Pete's sake, they've been dating for quite some time!
Tinapos ko yung presentation ko and asked them for some reactions kasi open naman kami for revisions. We treat our clients here as royalties.
Andrew and Iya approved everything naman except sa prenup videos nila. They put in some of their ideas and made it more low-key. Ngayon ko lang naappreciate si Iya. Behind her glamour, she's a very grounded person. Ang humble nya. I can see how inlove she is to this Andrew guy. I am about to ask Iya if alam ba to ng showbiz pero pinigilan ko ang sarili ko magtanong.
We said our goodbye's to each other. Pero before sila makaalis, Iya turned to me.
"Miss Althea, ikaw ba yung makakasama ko this weekend sa gown fitting?"
"Uhm, that. I think it's Trina."
"Oh, I see. Sige, we'll go ahead. Thanks."
Pagkaalis nila, binigay ko sa secretary ko yung mga revisions na gusto nila Iya.
Lunch time na pala. I called Barbie up.
"Wazzup?"
"Wazzupin ko yang mukha mo. Nasan ka ba, di ka ba papasok?!"
"Ang sakit sakit ng ulo ko. Di ako makabangon. Bakit? May problema dyan?"
"Wala naman. May sinalo lang akong booking nyo ni Trina. Yung wedding sa Batanes."
"Ah yun. Ikaw nalang dyan sa event na yan, Althea. Swap nalang tayo."
"Can I say no this time?"
"Huh? Bakit? Diba gustung gusto mo yung mga wedding? Ano'ng ganap?"
"B, it's Iya's wedding."
"What?! VJ Iya ni Dylan?!"
"Aray ko naman wag kang sumigaw! Oo, sya nga."
"Sorry nabigla kasi ako. Teka, panu nangyari yun?"
"Ewan ko. Di ko alam."
"Ang gulo naman. Babangon na nga ako. Kahit masakit ang ulo ko, pupunta ako dyan ngayon. This is interesting. Maglunch ka na."
"Okay." I ended the call.
Alam kaya ni Dylan to? Will I tell him?