Dylan's POV
I never drove like this before. Shit. Sa lawak ng isla na to, san ba namin gagalugarin si Ja?
"Bro, focus on the road. Mababangga tayo eh." Paalala ni Dane.
"Kindly check on Ja's phone, Dane. Baka may makuha kang information dyan."
"That's the prob bro. Her phone is locked. I can't even read the messages."
Tss... sabi ko ng di na magpassword eh.
"Barbie is calling bro. Akin na ang phone mo. I-connect ko na sa speakers mo dito ha."
I nodded.
"Dylan..." Barbie is crying.
"Yes Barbie? Ano'ng balita?"
"Dylan, si Calyx... nasa kanya si bestie. Dylan please save my bestfriend."
I pulled over. Baka mabangga kami kasi di ako makapagfocus.
"Barbie please calm down first okay? Di ka namin masyado maintindihan. Nasan si Ja? Ano'ng kinalaman ni Calyx?"
"Kasi habang hinihintay namin si Capt. James, naisip ko lang tawagan si Calyx. Di ko alam kung bakit pero laking gulat ko nang malaman ko na sya ang dumukot kay bestie. Dylan narinig ko si bestie. Sabi ni Calyx, ihahatid daw nya si bestie sa kinaroroonan ni Nicole."
"Fuck that Calyx." I clenched my jaw and stepped the gas right away.
"Nababaliw na ang taong yun but... Dylan we can track them. Calyx didn't turn off his GPS. Send ko ang number sayo. We will also trace them. Lilipad na ang chopper. Mag-ingat kayo."
As soon as we received the number, Dane keyed in the digits in my car's locator device.
"Bro, ang bilis ng takbo nila."
I accelerated. I'll catch you asshole!
Sinugurado ko na nakaseatbelt kaming dalawa ni Dane. Shit, this reminds me of the accident years ago.
Nicole...
God, please help me.
Save Ja please...Di ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya. I cannot lose another woman in my life. Not this time.
Mabilis kung tiningnan ang locator. Malapit na kami sa kinaroroonan nila.
I did a shortcut.
Nakikita ko na ang sasakyan ni Calyx. Mabuti nalang two-way pa dito.
Inabutan ko sila. Napapamura ako sa wreckless driving nya.
I tried hard na pumantay sa kanila.
Parang tinadyakan ang puso ko nang makita ko si Ja na walang malay sa passenger's seat.
Napatingin naman si Calyx sa direksyon ko at ngumisi ng nakakaloko.
Alam nya kasing di ko sya gigitgitin kasi nasa kanya si Ja.
"What now, bro?!" tanong ni Dane sa passenger's seat.
Hindi ko sya sinagot.
In one swift moment, ibinangga ni Calyx ang sasakyan nya sa sasakyan ko at nang mawalan ako ng control sandali, sinamantala naman nya ang pagkakataon na ungusan ako.