"Kaya rin naman kitang gawan ng love letter, Ja. Wag ka ng mainggit sa kaibigan mo."
"Ano'ng drama na naman yan Dylan? Sino'ng naiinggit? Di ako naiinggit noh!"
"Eh nagseselos? Di ka nagseselos?"
"Ba't naman ako magseselos, aber?"
Napakamot sya ng ulo nya. May kuto?
"Tigilan mo nga ako sa mga paandar mo dyan. Di nakakatuwa."
"Wushu! Kinilig ka kay Ben eh. Pag ako gumawa ng love letter tapos ibigay ko sayo, bawal ka kiligin ha! Hahahaha!"
Binato ko sya ng kinakain kong mallows. Nandito kami ngayon sa studio for our second and last photoshoot. This time, di makakarating sila Cha kasi may appointments pero nandito naman yung isang co-owner nila. Kumportable narin naman kami sa camera men kaya ayos lang.
Bigla nag-ring yung phone ni Dylan and he picked up the call.
"O?"
Walang manners ang kaibigan ko.
"Ah ganun ba? Sige, after ko dito, dederitso nako dyan. Si Ja. Yup, si Althea. Try ko lang. Sige, bye. 'love you too."
Di nako magtatanong kung sino yung tumawag.
"Si Alex."
"Ok."
"Ja, she's inviting you over. May housewarming yung kapatid nya mamaya."
"Ah ganun ba? Pakisabi nalang 'thanks'. Di ako pde eh. May lakad kami ni Barbie mamaya."
"Alright."
Silence.
"Models, ready?"
It was Nathan. Let's get this on.
"Ready." We answered in unison.
/
/