"Tingnan mo to. They seem to have known each other nung una pa man. Well, I'm not saying na they've been together na dati pa kasi di naman naten alam diba? Pero based sa nakikita ko ngayon, matagal na talaga sila magkakilala. Look at these albums oh. Diba mga family affairs to? Present ang bawat isa oh."
Hell, we're stalking Andrew's social media accounts right now just to fish some information.
"At eto pa Althea, Andrew's family pala is based in Canada."
"Kaya pala dun na sila titira after their wedding..."
"If I'm not mistaken, we're doing this to look at the cheating thing. Kung meron man. Do you think that Iya cheated on Dylan? Eh diba sabi mo may kasama naman si Iya na actor nung Saturday night sa resto ni Ate Sam? Yung nalilink sa kanya? Ano ba, nagugulohan ako."
"Akala ko nga kanina na si Andrew yun eh pero hindi pala. Wait, pero hawig naman sila diba?"
"Ay teka lang Althea. I think that the actor and Andrew are related. Look at this. Photos in Macau. Baka magpinsan sila. Hmmm... kaya pala safe lang yung pagkaka-link nya kay Iya. So sa part na to, walang cheating na anggulo. We remove the actor from the equation."
"Gets ko na ngayon ang part na yan. Pero ano yung kay Dylan? Akala ko they're exclusively dating."
"Bestie kasi, di naman ibig sabihin na mag-on na agad ang dalawang tao na exclusively dating. Baka yung kanila ni Dylan eh hanggang hang out hang out lang."
"Eh in love yung tao kay Iya."
"Nandun na tayo, in love sya kay Iya. Eh si Iya ba ganun din sa kanya? Naging sila ba? Baka nag-assume lang tong si Dylan mo."
"Wow ha. Dylan KO talaga?"
"Eh SAYO naman talaga dba? Hehehe... di joke lang. Tama na nga tong pag-iimbestiga natin. Basta ako, naniniwala ako na walang kasalanan tong si Iya. She just took care of her love's privacy. Bilib nako sa babaeng yun. Hindi pa-sikat ang peg."
"So do you think I need to tell Dylan?"
"Huh? Bakit ikaw? Dapat napag-usapan na nila ni Iya yan. Wag ka nalang makialam. Mahirap na."
"Sabagay."
"So panu, uwi na tayo? Nabitin yung tulog ko eh. Pero don't worry, ako ang magluluto ng dinner natin mamaya."
"Sige. Sabi mo yan ha! Hintayin mo ko. I'll just get my things from the office."
Babalik nako sa office. Maghiwalay kasi kami ng office ni Barbie. Sila ni Trina ang nagshishare ng office na to kasi mas malaki ang space compared nung saken.
"Ah Ma'am Althea, nasa loob po ng office nyo si Sir Dylan."
"Ganun ba, okay. Thank you."
Ano kaya ang kelangan nitong isang to? Pagpihit ko palang ng door, nakita ko na agad sya.
"Oh Dylan, naligaw ka ata?" Bumeso ako sa kanya.
"Napadaan lang ako Ja para ibigay to. Don't miss it ha? Bye."
Wow. Ano naman kaya to? I opened the envelope. Uy concert tickets to ah. Bakit dalawa?
Napansin ko nagvibrate yung phone ko. Nagtext si Dylan. Isama mo pala si Barbie. Thanks Ja. See you on Friday ;)
Di nako nagreply. Pansin nyo bang hindi ako mahilig magreply? Hehe.
So, these tickets are for us pala. It's actually a concert party of a large music channel in the country. And yeah, where Iya is VJ-ing. Hmmm.. Friday evening naman so I guess I'm coming. Di ko na tatanungin si Barbie kung sasama sya kasi sure naman akong sasama yun. Duh, party is her middle name kaya.
.
.
.
.
.
."Bestie, ok ba ang lasa?"
"Pasado, B!"
Nagdidinner kami ngayon dito sa condo. Nagluto si Barbie ng chicken curry. Once in a blue moon lang to sya maging ganito. Madalas kasi tamad.
"Pde na ba akong mag-asawa?"
"Huh? Nope."
"Hala! Bakit naman?"
"Nagtanong pa talaga? Hindi naman cooking skills ang basehan kung pde na mag-asawa ang isang babae. Panu naman ang maturity? Meron ka ba nyan? Eh sablay ka na sa loyalty issue palang noh!"
"Hahahaha... Oo nga. Ang harsh mo ha."
"I'm your friend. I'm brutally honest."
"Hay naku change topic na nga. Ano pala yung sasabihin mo saken?"
"May gagawin ka ba this Friday after work?"
"Wala naman. Bakit?"
"Ay good. May binigay kasi saten si Dylan na tickets for a concert. Yung sa music channel nila Iya. Alam mo yun? Pinapapunta tayo eh."
"Oh my God Althea! I've been dying to get VIP tickets for that kasi inaabangan talaga yan annually. The last time I checked, ubos na raw. Pero ngayon? May tickets tayo?! Dylan is such an angel! Oh my... I'm seeing various artists, hot DJ's and VJs in there!"
"Ikaw na ang excited B!"
Hahahaha natawa nalang kami.
"Pero wait lang. Si Dylan ba pupunta din?"
"Oo ata. Sabi nya kasi see you on Friday eh."
"Ah... Parang kinakabahan ako Althea. May plano ba si Dylan?"
"Anong plano? Di ko alam. Wala naman syang sinasabi. Wala rin akong idea."
Barbie just sighed.
.
.
.
.
.When we're in love, we tend to do stupid things. I hope Dylan is not up to do something stupid.
Pero hindi nya kasi ata alam yung tungkol kay Iya and Andrew. This part is something shady to me. Wala namang nasasabi si Dylan saken. So dapat ba ako na magsabi?
Ewan ko na. Matutulog nalang ako.