Kumakalam na ang sikmura ko.
Teka, nasa'n na ba yun? Ako ata ang nakatulog? Ugh. Di man lang ako ginising ng magaling na lalaki. Makababa na nga. Shocks, I'm starving na. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at patakbong binaba ang hagdan. Di pa man ako nakakarating ng dining, dinig na dinig ko na ang tawanan nila lalo na ng tatay ko. Naku, pakenkoy na naman tong si Dylan sure ako.
"Oh, baby. Akala ko mamaya ka pa gigising eh. Upo ka na."
"Anak, dun ka tumabi kay Dylan."
Ang mga galawan oh. Nangiti nalang ako sa tatay ko.
Ipinaghila ako ni Dylan ng upuan. "Di na kita ginising."
"Oo nga eh. Panu nangyari yun? Diba ikaw dapat yung matutulog?"
"Yup. Nakatulog naman ako. Paggising ko, nakatulog ka rin pala." Pinaglalagyan nya ako ng pagkain sa plate. Ang sweet ni Dylan sa totoo lang. Kaya naman po ang mga magulang ko ay parang nakakakita ng mga bituin sa langit ngayon. Naku, di makakaligtas yung mga sulyap at ngisi nilang ganyan. "Eat like a king, Ja."
"Talaga. Request ko tong mga to eh."
"Sabi nga nila."
"Son, are you staying til weekend too?"
"Dad."
"What? I'm just asking."
"Of course it's too much for him to stay til weekend, Dad. Dylan has work." and a girlfriend too na maghahanap sa kanya kung matagal syang mawala. Syempre sa utak ko nalang sinabi yung huli. Tama naman kasi. Tsaka napansin ko kay Alex na clingy sya kaya imposibleng magstay dito sa Dylan ng matagal. I mean, his work can wait for him or at least he can work wireless pero yung girlfriend nya, hindi.
"Yes po. I'm staying til weekend."
Huh? I creased my brows and looked at him.
"I can still work on my blog parin naman po and my restaurant is in good hands. Alex will be out of the country for her next business venture din kaya wala naman ako masyadong gagawin so yah, I'm staying til weekend."
Ah... ganun naman pala. Mawawala si girlfriend kaya free sya. Well, panu kaya kung walang business trip si Alex? Will he still stay long? Hopia.
Nevertheless, I'm glad that he's staying long para di na rin ako kinukulit at kinukulit ng tatay ko. Magkakachance pa ako gawin yung mga bagay na na-miss ko kasi nandito naman si Dylan na poproxy sa pang-aaliw sa mga magulang ko hehe.
Natapos namin ang tanghalian pero hindi pa tapos ang chikahan nila. Tumuloy sila ng veranda. Samantalang ako, nagpaalam na muna. Di ko talaga alam bakit antok na antok ako. Siguro nabusog akong maigi at nabitin sa tulog kanina. Kelangan ko rin tapusin yung binabasa ko. Yung effect ng words dun sa libro na yun eh parang linta sa utak ko. Di ko mawaglit eh. Kaya tatapusin ko sya today.