-3 Weeks after-
Althea's POV
Excited nako sa pag-uwi ni Barbie. Grabehan lang ha. Yung event nya sa Canada ang ganda ganda. She blogged everything and did live streaming kaya nawitness ko rin yung real action.
Di ko akalain na ganun yung concept na gagawin ni B. Iba na talaga pag in love ang isang tao noh? Nagiging magic lahat ng ginagawa. Wag nyo na ako tanungin kung bakit magaling din ako. Alam nyo na yun. Hahaha... kaya lang hopia queen ako eh pero ayos lang.
12 noon na palang. Mag-a-undertime ako today kasi susunduin ko si Barbie sa airport mamayang 3PM. Sana di masyadong matraffic.
Sa ngayon, magla-lunch na muna ako.
"Ready?" A man entered my office showing off his warm smile.
"I am. Uy ha, on time ka."
"Syempre. Gutom na eh." He kissed me on the cheek.
"Haha... ikaw talaga. Calyx, convoy nalang tayo ha? I need to bring my car. Susunduin ko kasi si Barbie sa airport mamaya."
"If you say so." He smiled. "So, tara?" He offered his hand and I reached for it agad.
Magkahawak-kamay kaming lumabas ng building ni Calyx.
"Sa condo ka na magdinner mamaya ha? Para makilala mo si B."
"Oo ba. I really want to meet my girlfriend's best friend."
"Naks! Pero makulit yun ha. Pagpasensyahan mo lang."
"Mas makulit pa sayo?"
"Oo mga times 20!"
"Tsk... I need to brace myself pala."
Tumingin sya saken na parang nagpapacute. Pabebe rin to si Calyx minsan.
"You're cute. Basta just be yourself, okay? Mabait naman yun."
Bumitaw nako sa kanya.
Nagkanya kanya na kami ng sakay.
Nauuna ako kay Calyx sa way.
You might wonder. Alam ko iniisip nyo. Yes, kami na ni Calyx. Sinagot ko sya 3 days ago. He's a nice guy and I didn't see anything wrong na sinagot ko sya agad kahit na we've only known each other for a short time.
Actually, ipinagpaalam ko na muna yun kay Dylan. Busy si Dylan nitong mga nakaraang araw eh. Ewan ko ba dun. Biglang naging workaholic. May pinag-iipunan na siguro.
Dylan has been supportive of me na kahit di pa nya nami-meet si Calyx, he feels daw na masaya ako with him around kaya di ko na daw pakawalan yung nagpapasaya sa akin.
Kaya ayun na nga ang nangyari.
If Dylan can make it tonight, the two of them will surely meet finally. Gusto ko naman na makilala na ni Dylan si Calyx.
/
/Lunch went well.
"So panu? See you later?" Calyx, now holding my hand, asked me.
"Yes, see you later." I tiptoed to kiss his cheek. "Yung kamay ko Calyx hehe baka gusto mong bitawan?"
He smiled. Then binitawan na nya ako.