Dylan's POV
This must be the kind of paradise that she deserves.
Hindi ko nga rin alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Siguro kasi ayoko na magmukmok nor magpakapagod muna sa trabaho. Buong buwan akong ganun pero wala rin naman... di ko rin naman nakalimutan yung nararamdaman ko.
Kaya I'm here.
Dati, naririnig ko lang kay Ja kung ganu kaganda ang lugar na to. Tama lahat ng sinabi nya. Once you step on Batanes, you will fall in love with the place right away.
I couldn't help but recall our conversation when she mentioned about Batanes the very first time.
***flashback***
"Sabi mo eh. Pero di natin yan ma-aapply ngayon. We're stuck in this traffic jam. Kwento ka nalang muna."
"Tungkol naman saan?"
"Anything. Work maybe."
"Uhm, ayun. Okay na yung venue sa wedding niya."
"Ni Iya."
"Yap, ni Iya."
"Ja, ano ka ba. It's okay to drop names. I don't mind."
"Ayun nga, we went to Batanes and stayed there for two days. Pero di namin kasama ang dalawa. I mean, Iya and Andrew. Andrew is in Canada and Iya got work. Okay naman ang location. Well, 'okay' is an understatement. The location is superb. Para ngang gusto ko rin dun ikasal."
"Mangyayari yan, Ja."
"Sus, Dylan. Depende naman yan sa usapan namin ng magiging groom ko."
"Ja, the groom must give his wife what she wants. If you say Batanes, then Batanes it is."
"Ganun?"
"Yup, ganun yun."
"Ewan ko sayo. Ang dami mong alam."
***end of flashback***
Ja wants to get married in this place. Now I understand why.
I've gone to every landmark and went to Tukon Church last. This is where Iya and Andrew exchanged vows. As I swim in deep thoughts, I can't find pain in my chest anymore. I even prayed that they'll have more years ahead in pure bliss.
I leaned on the door and watched the altar. I blinked twice because I saw myself with her in front. Ja. I'm hallucinating.
"Hijo, gusto mo ba magsindi ng kandila?"
An old man offered a candle. I followed him. I also lit mine. He was silent, eyes closed. He must be praying.
"Wag mo ako titigan." He peeped. "Magdasal ka rin." Pumikit sya ulit.
As I closed my eyes, I got lost for words. Ja's face was all over my thoughts. Di ko alam kung gaano ako katagal na ganun. Namalayan ko nalang na tinapik ako ng mahina ni Lolo.
As I opened my eyes, nakangiti sya saken. "Akala ko nakatulog ka na dyan."
Napangiti ako at napahawak sa batok.
"Siguro babae yang nasa isip mo hijo."
"Bakit nyo naman po nalaman?"
"Nasa mga mata mo. Minsan lang ako makakita ng ganyang tingin. Puno ng pagnanais at pagmamahal."
"Manghuhula ata kayo Lo eh."
"Hay naku ikaw na bata ka. Hindi ako manghuhula. Teka, dayuhan ka ba dito? Ngayon lang kita nakita."