Chapter 33

13 2 1
                                    

💍 Chapter Thirty-Three 💍

HALOS HINDI PA RIN makapaniwala si Cobi sa balitang sinabi sa kanya ni Sydney. Sa totoo lang, napakadaming bagay siyang iniisip nitong mga nakaraang araw pero dahil sa pinagtapat ng kanyang asawa ay tila naglaho lahat ang mga alalahanin niya.

Plano pa sana nilang icelebrate ni Sydney ang pagbubuntis nito pero nag-aya na itong umuwi.

"May pinaluto akong sinigang na baboy kay Mama," anito.

Kinulit pa nga niya ito pero talagang hinahanap nito ang sinigang ng ina. Kaya naman wala na siyang nagawa pa kungdi ang pagbigyan ito.

Habang nasa byahe sila ay may pinagtapat na isang bagay si Sydney sa kanya.

"Humanda ka na sa pag-uwi natin," anito, "Bago tayo makarating sa bahay, may haharang sa ating mga tauhan ni Kuya Andrew."

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa kanya asawa.

"Ngayong araw ang huling palugit ni Kuya Andrew kay Ate Leigh para makuha ang Purple Stone sa akin. Sinabi ko kay Ate Leigh, kung kusa kong ibibigay ang Purple Stone sa kanya, manghihinala ang asawa niya. Kaya sabi ko, kausapin niya si Andrew na manghiram siya ng tauhan para tambangan tayo bago tayo makarating sa bahay."

Hindi kumibo si Cobi.

Hindi naman naglilihim sa kanya si Sydney pagdating sa pamilya nito lalo na sa mag-asawang Leigh at Andrew. Kaya hindi na lingid sa kanyang kaalaman na nag-usap na ang magkapatid, at inamin na ni Leigh na ang Purple Stone ang unang mission nito.

"Hindi ko sinabi kay Ate Leigh na peke na ang purple stone na nasa engagement ring natin," tumingin sa kanya si Sydney,

Oo, peke na ang Purple Stone na nasa Engagement Ring nila ni Sydney dahil ang totoong Purple Stone ay nagawa na nilang masira. Nagtagumpay sa mission na iyon kaya ligtas silang lahat nakabalik sa Pilipinas. Kaya nang umuwi na sila ni Sydney sa bahay ng mga Perez ay peke Purple Stone na ang hawak nila.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mong umuwi kaagad?" Tanong ni Cobi

"Hindi," umiling si Sydney, "Talagang nagpaluto ako kay Mama ng sinigang na baboy. Naki-crave kasi talaga ako 'dun!"

Natawa naman si Cobi.

"Kinausap ko sila Tata, Jimmy at Jun tungkol sa mangyayari kaya palihim silang nakasubaybay sa atin," paliwanag nito.

"Nakuha ko na ang plano ninyong talaga ng ate mo," aniya, "Gusto mong umarte ako na matatalo tayo. Para may pagkakataon silang makuha ang purple stone sa'yo."

"Hindi ko sana sasabihin kaso naalala ko, baka mapatay mo ang mga tauhan ni Andrew, at mapurnada ang plano," katwiran nito.

"Huwag lang nilang subukan saktan ka, papatayin ko talaga sila!" Pagbabanta ni Cobi.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako magagawang saktan ni Ate Leigh..." Ngumiti siya, "...Pinangako niya iyon kina Papa at Mama. Kaya mangako kang umarte ka lang. Huwag kang mag-alala kung saan man tayo dalhin kung sakali, dahil nakasunod sa atin ang mga kapatid mo."

"Sige, magtitiwala ako sa plano ninyong iyan," turan na lang ni Cobi, "Pero sa oras talaga na saktan ka nila at ang anak natin, hindi ako magdadalawang-isip na patayin silang lahat."

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon