Chapter 34

11 1 1
                                    

💍 Chapter Thirty-Four 💍


NANATILING GISING ANG DIWA NI COBI pero nananatili rin siyang nagkukunwari na walang malay-tao. Pero ang totoo, alam na alam niya ang mga nangyayari sa kanyang paligid maski boses ng kanyang asawa.

Naramdaman niyang iginapos siya ng kung sinong tauhan ni Andrew. Pero hindi niya pa rin magawang pumalag, at napatuloy lang siya sa pagpapanggap.

"Ano ba ang kailangan n'yo sa amin?" Tanong ni Sydney na halatang nanlalaban pa ito.

Lihim na napakuyom ang kamao ni Cobi. Hindi niya alam kung hanggang kaylan siya magtutulug-tulugan ganoong naririnig niya ang boses nga kanyang asawa.

"Ikaw, napaka walang-hiya mo talaga!" Ani Syndey.

Pamilyar na pagtawa ng isang lalaki ang nadinig ni Cobi na sa tingin niya ay iyon na si Andrew. Sinubukan niyang idilat ng bahagya ang kanyang mga mata, at nakita niya si Syndey habang nakatakod naman sa kanya si Andrew. Ilang saglit pa ay may dumating pang tatlong tao.

"Ate?!" Gulat na boses ni Sydney, "Sabihin mo, ate? Ano ang ibig sabihin nito? Bakit n'yo kami ginaganito ng asawa ko?"

"Huwag ka nang magkunwari, Sydney! Alam mo kung ano gusto kong makuha sa'yo!" Galit na tugon ni Leigh, "Pinakiusapan kitang ibigay mo na lang sa akin ang Purple Stone ng kusa para hindi na tayo umabot sa ganitong paraan pero naging matigas ka!"

"Ako pa ba talaga, Ate?" Hinanakit ni Syndey, "Hindi mo ba alam kung ano'ng klaseng bato ang gusto mong makuha sa akin? Ate, daig pa nito ang Nuclear Bomb kapag nadeactivate ito. At saka--"

Hindi na nagawa pang tapusin ni Sydney ang sinabi nito nang dinakma ni Leigh ang leeg ng kapatid.

"Waka akong pake alam kung gaano kadelekado ang batong iyan! Dahil kung hindi mo ibibigay sa akin iyan, pare-parehas tayong mamamatay! Pati sila Papa at Mama, madadamay!" Pagbabanta ni Leigh.

"Ayaw mo palang madamay sila Papa at Mama pero pumayag kang makipagsunduan sa lalaking hindi mo alam kung anong klaseng tao!" Sumbat ni Sydney.

Napakunot ang noo ni Cobi. Hindi niya alam kung umaarte na lang ba ang magkapatid. Minsan ang pananalita ng asawa niya ay hindi napipigilan, sasabihin nito ang gusto nitong sabihin. Pero ang katangiang ito ni Sydney ang isa sa mga nagustuhan niya. Sa lahat kasi mg agent nila, hindi ito natatakot sa kanya.

Nasa ganoong pag-iisip si Cobi nang bigla siyang sabuyan ng tubig dahilan para magulay siya. Pero naging alerto pa rin siya, at umarte siyang kakagising lang.

"Cobi?!" Tawag sa kanya ni Sydney.

Matatalim na tingin ang binato niya sa lalaking nagsabog ng tubig sa kanya. Pero bahagya siyang natigilan nang bigla itong kumindat sa kanya.

Dahil sa suot nitong bullcup, hindi niya kaagad nakilala na ang lalaking nagtapon sa kanya ng tubig ay si Jimmy.

"Well...Well...Well... Gising na pala si Agent Happy!" Ani Andrew.

Tumabi saglit si Jimmy para bigyan ng daan si Andrew na papalapit sa kanya.

"Ano? Nasaan na ang Ate mong si Snow White? At ang anim mo pang kapatid na duwende?" May halong pang-iinsultong tanong ni Andrew sa kanya.

Pero napangisi lang si Cobi, "Sa tingin mo, porquet isa lang sa mga dwarf ni Snow White ang makuha mo, panalo ka na?"

"Oh, bakit sa tingin mo hindi pa?" Mayabang itong tugon.

Tumawa si Cobi ng nakakainsulto. Pero dahil sa ginawa niyang iyon ay nagpakawala ng suntok si Andrew na siyang nasalo ng kanyang panga. Napabaling ang ulo niya sa lakas ng pagkakasuntok nito, at naramdam niya ang pagputok ng kanyang labi. Kaagad rin niyang nalasahan ang lupang likidong dumaloy sa kanyang mga labi.

Muli siyang ngumiti bilang pang-aasar rito.

At muli rin siyang nakatikim ng suntok mula rito.

"Tama na! Please, tama na!" Mangiyak-ngiyak na awat na ni Sydney, "Ibibigay ko na! Huwag n'yo lang sasaktan ang asawa ko!"

Napahinto si Andrew, at tumingin kay Sydney.

"Huwag Sydney! Alam mong mas delikado kung mapapasakamay iyan ng iba!" Babala ni Cobi, "At Alam mong iyan ang mission mo sa akin! Huwag mong ibibigay! Sa tingin mo, bubuhayin pa nila tayo kapag mapasakamay ang bato--" hindi na tapos ni Cobi ang kanyang sasabihin nang bigla ulit siyang sinuntok ni Andrew.

Hindi pa ito nakontento, kiniwelyuhan siya nito. Pagkaraan ay tinutukan pa siya nito ng baril sa kanyang sintido.

"Manahimik ka kung ayaw mong maunang sumabog ang utak mo!" Pagbabanta nito.

"Sa tingin mo matatakot ako sa pagbabanta mong iyan?" Mapaghamon pa ring tanong ni Cobi.

"Cobi, ano ba?" Saway na ni Sydney sa kanyang asawa saka napabaling ito kay Leigh, "Pakiusap Ate Leigh, Kuya Andrew! Ibibigay ko na ang hinihingi ninyo, pero mangako kayo sa akin sa papakawalan nyo na kami after nito!"

"Ibigay mo muna ang bato!" Pautos na sa sigaw ni Andrew na para bang lalong tinutok ang baril sa ulo ni Cobi.

"Ibibigay ko na!"

"Sydney?!" Pigil pa ni Cobi.

"Please, ate..." Nakikiusap na turan ni Sydney habang hinuhubad ang singsing sa kanyang kamay, " ...Huwag mo kaming sasaktan alang-alang sa magiging pamangkin mo!"

"Ano'ng sabi mo?" Para namang nabingi si Leigh.

"Buntis ako, ate. Iyan ang rason kaya umalis ako kanina ng bahay para magpatingin sa asawa ni Kuya Jinuel," aniya saka inabot na niya rito ang Purple Stone.

Napatingin si Leigh sa palad nito kung saan naroroon na ang naturang bato. Pero bigla itong nagulat nang bigla iyong agawin ni Andrew.

Sinuri nito ang bato pagkaraan ay sumenyas ito sa isang tauhan nito.

"Popoy!"

Lumapit naman ito, at parang alam na nito ang gagawin dahil mabilis nitong sinuri ang naturang singsing.

Nag-aalalang nagkatinginan sila Cobi at Sydney.

Ilang saglit pa ay may binulong ang lalaki kay Andrew. Nakita nila ang panlalaki ang mga mata ng lalaki. At para itong kidlat sa bilis na lumapit kay Sydney, at saka sinakal.

"Sydney?!" Bulaslas ni Cobi.

"Nasaan ang tunay na Purple Stone?!" Nanggagalaiting tanong ni Andrew habang nanlilisik ang mga mata nito.

"Sydney?!" bulaslas rin ni Leigh at mabilis na ginapangan ng takot at pag-aalala para sa kapatid.

💍💍💍💍💍💍💍


AUTHOR'S NOTE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AUTHOR'S NOTE:

ilang chapter na lang malapit nang matapos ang Book 4 ☺️ pasensya na kung hindi ako araw-araw nakakapag-update.. kasi every night na lang ako nakakapagsulat at iniedit ko pa po siya.

Gusto ko rin po sanang magpasalamat kay rafsendoh07 sa pagposted ng msg sa wall ko. Naaapriciate ko po ang mga readers ko na walang sawang naghihintay sa mga update ko. At syempre sa mga silent readers na rin. ☺️

Thank you po talaga! Isa po kayo sa nagbibigay inspiration sa akin para ipagpatuloy ko ang pagsusulat ☺️

Happy Reading!

CODENAME: Happy (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon