Chapter 3:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘Buong week kaming nag-focus sa pag-aaral dahil next week na ang exam. I-resume na lang namin ang practice kapag tapos na ang prelims namin. May isang linggo pa naman no'n bago ang music fest.
"Matapos lang talaga ang prelims, magpakalunod ako sa alak!" Sigaw ni Davy na akala mo naman malakas uminom. Nandito ulit kami sa cafe.
"Ingay mo," saway sa kan'ya ng girls. Kasama ulit namin sila rito sa cafe. Dito na iyong tambayan namin buong week.
Marami ring ibang students na nag-aaral dito gaya namin. May ilan pa nga na taga ibang university, kaya siguro gustong-gusto nila rito tumambay.
"Shucks! Si Archer." Bulong ni Ria. Siniko niya pa si Kenna na nasa tabi niya na agad ding napatingin doon kay Archer at sa dalawang kasama niya. Sa may kabilang dulo sila ng cafe umupo. Mag-aaral din yata sila dahil marami silang dalang makakapal na libro. Tsk. Mga Pol Sci students nga naman.
"Ang gwapo niya talaga." Si Kenna. Hibang. Kulang na lang magkaroon na ng heart-heart sa mata niya, e.
"Iyan 'yong gusto ni Isla?" Si Andrei. Nakatingin na rin doon.
"Wala na Arrow, umatras ka na." Si Davy kaya sinipa ko siya. Anong atras na sinasabi? Walang aatras sa pamilyang 'to. Sabi no'ng na-basted.
"Kung babae lang din siguro ako, magugustuhan ko siya." Sabi pa ni Andrei na natatawa. Napairap ako.
"Why? Even if lalaki ka pwede mo naman siya magustuhan." Sabi ni Maeve. Tumawa lang si Andrei dahil sa sinabi ni Maeve, pero totoo naman. Wala naman nagsabi na porket lalaki siya at lalaki ka ay hindi mo na siya pwedeng magustuhan.
"Oo nga, si Davy nga babae o lalaki nilalandi niyan." Si Ria kaya natawa kami. Hindi naman tago iyon sa amin. At okay lang din sa'min, bakit naman hindi?
"Wala na, tahimik na si Arrow. Alam na niya talagang talo siya." Si Cali.
"Ako na naman nakita niyo, mag-aaral pa ba tayo rito, o pag-usapan 'yang Soler na 'yan?" Inis na sabi ko, pero tinawanan lang nila ako. They didn't take me seriously. Mga hayop. Minsan iniisip ko na lang na ang role ko sa barkadahan na 'to ay maging clown.
Mabuti na lang ay tumahimik na ulit sila. Busy na ulit sila mag-review, habang ako, hindi mawala-wala ang tingin ko sa kinaroroonan nila Archer.
Busy rin sila basahin ang makakapal na libro na nasa table nila. Hindi ba sila nahihilo diyan? Kaunting notes pa nga lang ang basahin ko, sumasakit na ulo ko, e.
May itinanong yata sa kan'ya iyong babaeng kasama niya dahil ibinaba niya ang librong hawak niya at tumingin doon sa babae. Tinatanong siguro about doon sa binabasa nila.
Hindi nakawala sa paningin ko ang marahang pagkunot ng noo niya. Tumango siya roon sa babaeng kausap at ibinalik ulit ang tingin doon sa librong hawak.
Ilang saglit lang ay nagsalita na naman iyong babae kaya tumingin na naman siya roon. Kung ako siguro siya, mababanas ako roon sa babae dahil tanong nang tanong.
Tumango ulit siya roon sa babae. Ibabalik na sana niya ang tingin ulit sa libro nang dumapo ang tingin niya sa'kin.
His brows knitted when our eyes met. Ngumisi lang din naman ako sa kan'ya at hindi iniwas ang tingin, gano'n din naman siya.
"Pota. Arrow!" Nawala lang ang tingin ko sa kan'ya nang batukan ako ni Davy.
"Ano ba 'yon?!" Inis na nilingon ko siya. Nambabatok bigla, e.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024