Chapter 33

1.5K 76 6
                                    

Chapter 33:
Arrow's Point of View

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Iyon pala ah. Sabi na, e crush mo talaga ako una pa lang." Pang-aasar ko sa kan'ya nang ikwento niya lahat sa'kin ang nangyari.

Umirap siya kaya natawa ako, pero agad ding bumuntong hininga at marahang tumitig sa maaliwalas niyang mukha.

Mula noong bata siya hanggang sa kasalukuyan ay sinabi niya sa'kin. Kahit sobrang haba no'n nakinig lang ako sa kan'ya.

Hindi ko lang maiwasan na malungkot para sa kan'ya. He never experienced being a normal kid. Iyong maglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan, at ine-enjoy ang kabataan nila.

He experienced hell sa kamay ng tatay niya.

Hearing those painful experience, hindi ko maiwasan na magalit. Hindi niya 'yon deserve, sa murang edad niya na 'yon ang dami na niyang napagdaanan.

"Sorry, ah," I reached for his hand at hinawakan 'yon ng mahigpit. Takot na baka kapag binitawan ko ay mawawala siya sa'kin. "Sorry kung ngayon lang ako dumating. Kung mas maaga lang sana ako, sana matagal na kitang kinuha sa puder ng Daddy mo." I added. Hinalikan ko ang kamay niya ng paulit-ulit.

"It's fine. At least dumating ka na ngayon." Sagot niya kaya ngumiti ako ng tipid. Ngumiti rin siya at hinawakan din ang kamay ko. "Stop saying sorry, hmmm?" Patuloy niya.

I nodded, "Okay. I love you." Sagot ko. Hinampas naman niya ako sa kamay kaya napatawa ako.

"Magpahinga ka na ulit, bukas na start ng foundation week." Sabi niya kaya tumango ako.

Kaninang umaga, pinayagan na ako ng doctor na umuwi since maliit na sugat lang naman ang natamo ko sa aksidente. Wala na rin naman na ang lagnat ko, magaling kasi ang nag-aalaga sa'kin. Si nurse Archer.

Pero ang pamamahinga ko sana ay nabulabog nang biglang nagsidatingan ang mga kaibigan ko sa bahay.

"Arrow! My friend! Are you okay?" Sigaw agad 'yon ni Davy nang pumasok sila sa bahay. Nang makita pa nga ako na nakaupo sa sofa at hawak ang kamay ni Archer ay agad niya akong nilapitan at niyakap, napalayo tuloy si Archer sa'min. Tang ina.

"Gago!" Agad ko siyang itinulak dahil para na niya akong sasakalin.

"Buti na lang masamang damo ka!" Sabi ni Kenna kaya tinaasan ko siya ng kilay. Sira ulo talaga sila.

"Archer, you okay rin ba? Nag-alala kami sa'yo." Si Ria na agad na lumapit kay Archer. Agad akong tumayo at pumagitna sa kanila. "Tang ina Arrow, respeto naman. Kinakausap ko si Archer!" Tinabig niya ako ng mahina kaya napairap ako. Ayos, ah.

"I'm fine, Ri. Thank you." Sagot ni Archer sa kan'ya.

"Makakapag-perform ka bukas, Row? Kung hindi, pwede namang si Davy na lang muna kakanta ng part mo." Sabi ni Rowan.

"Iyon na nga, hindi ako p'wede. I'll enjoy the foundation week with Archer. So, bahala na kayo sa banda." Sagot ko.

"Hayop na 'yan. Sana all na lang." Si Davy. Tsk. Anong nangyari sa pinopormahan niya?

"E, 'di isama mo rin si—"

"Tumahimik ka." Putol agad ni Davy sa sasabihin ni Andrei na natawa na lang.

Napailing lang din ako.

Dito na rin sila nakikain at matutulog kaya nagdabog ako. Imbes kasi na kaming dalawa lang ni Archer sa kwarto ko, kasama na namin sila.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon