Chapter 12:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Patayin mo!" Sigaw ko.
"Ang ingay mo naman!" Sinamaan niya ako ng tingin saglit saka binalik ang tingin sa phone niya. Nanonood kasi ako ng laro niya ngayon. Pagkagaling namin kay Mama niya, rito kami sa condo dumeretyo. Wala na rin naman kasi kaming afternoon class.
"Ayan na nga, oh! Patayin mo na!" Sigaw ko pa. Nadadala kasi ako roon sa nilalaro niya. "Bakit hindi mo pinatay?" Sabi ko pa nang lumayo siya roon sa kalaban. Kaunti na nga lang no'ng buhay no'n, e.
"Ikaw na. Ang OA mo." Sabi niya at hinampas sa dibdib ko iyong phone niya. Pikon naman agad.
"Paano ba? Turuan mo na kasi ako, para mabuhat kita sa susunod." Mayabang na sagot ko at itinuloy ang laro niya. ML 'yon. Si Miya pa 'yong hero na gamit niya. "Kaya ka siguro naglalaro nito dahil sa malaking-"
"Ano?" May banta sa boses niya, kunot na kunot pa ang noo habang naka-cross arm na nakatingin sa'kin. Tumawa ako ng malakas. Hindi naman mabiro 'to.
"Berde naman ng utak nito. Malaking pasensya kasi. Naglalaro ka dahil sa malaking pasensya mo." Patuloy ko na natatawa pa rin.
"Ay tang ina. Paano ba 'to?" Baling ko sa nilalaro ko nang bigla akong sinugod noong kalaban. Agad naman niyang tinignan iyon at medyo natawa pa nang makitang namatay na iyong si Miya.
"Bano. Akin na nga." Sabi niya at kinuha na ulit iyong phone niya.
Habang naglalaro siya ay sinasabi niya sa'kin kung paano ba laruin iyon. Dapat daw magpa-taas pa ng level sa pamamagitan ng pagpatay ng minions ng kalaban o kaya mag-jungle ba 'yon, o farm? Ewan.
Hindi kasi roon sa tinuturo niya ako naka-focus. Nakatingin lang ako sa side view niya. Sobrang gandang lalaki naman nito.
Ipinatong ko ang ulo ko roon sa backrest ng sofa habang nakatingin pa rin sa kan'ya.
"Pindutin mo muna iyong second skill bago iyong first. Kapag alam mong mamamatay ka na, pindutin mo iyong ultimate skill niya para tumakas." He explained. Tumango-tango ako kahit na sa totoo lang ay hindi ko pa rin ma-gets dahil nakatingin lang ako sa labi niya habang nagsasalita siya.
Shit. That damn lips. Nang-aakit ba 'yan? Kasi kung oo, tang ina naaakit ako!
"Nakikinig ka ba?"
Agad akong umiwas ng tingin nang bigla siyang lumingon sa'kin. Napaayos pa ako ng upo at napatikhim. Tang ina.
"Ah, oo. Alam ko na 'yan." Sagot ko habang hindi pa rin ako makatingin sa kan'ya. Tang ina kasi, Arrow. Kung ano-ano iniisip mo!
"Oh, subukan mo." Sabi niya at inabot sa'kin iyong phone niya. Napatingin naman ako saglit sa kan'ya, pero nang magtama ang mga mata namin ay binalik ko na lang ang tingin sa phone. Tang ina talaga, Arrow.
"Ha? Hindi. Ikaw na lang, baka hindi na 'yan maka-kill mga kalaban kapag ako naglaro." Sagot ko.
Ngumiwi siya dahil sa sinabi ko kaya natawa ako.
Nang itinuloy na niya ang paglalaro ay pinakalma ko muna ang sarili. Tang ina kasi.
---
"Tanga! Bakit hindi ka sumasagot sa mga texts at calls namin kahapon?! May practice dapat tayo!" Hinampas ako ni Kenna sa braso nang makasalubong ko siya sa university nang papasok ako kinabukasan.
Kumunot ang noo ko, napatingin ako sa phone ko. Oo nga pala, naka-dnd ako mula kahapon dahil ayaw ko ng istorbo habang kasama ko si Archer.
"Busy ako kahapon." Bored kong sagot.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024