Chapter 10:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Wala ka bang exams bukas at nandito ka?" Inis na sabi ni Archer nang pagbuksan niya ako ng unit niya at diretyo akong pumasok sa loob at umupo sa couch, nakasimangot.
"Mayro'n. Nandito nga ako para basahin ulit iyong notes ko." Sabi ko sabay pakita sa kan'ya iyong laptop, libro at notebooks na hawak ko.
"P'wede namang sa unit mo ka mag-review?" Nandoon pa rin ang inis sa boses niya. Naka-cross arm siyang nakatayo lang sa harap ko. Bakit ba ang sungit? Hindi naman siya gan'yan kay Isla? Tsk. Nakikipagtawanan pa nga siya, e.
"E di sabay tayo mag-aral. Sabay nga kayo lagi ni Isla." Nakipagpalitan din ako ng tingin sa kan'ya. Kunot na kunot ang noo niya, pero ako ngumiti sa kan'ya at kumurap-kurap pa. Pota talaga. Ang korni mo, Arrow.
"If you like her, then go to her at siya ang kulitin mo. Pero huwag mo akong sisihin kung ipagtabuyan ka lang niya." He said, coldly. Umalis din siya sa harap ko at pumasok sa kwarto niya. Pabagsak pa niyang isinara iyon kaya napapikit ako.
Bakit galit? E, ayaw ko nga pumunta roon sa sinasabi niya. Mas gusto ko rito.
Tumayo ako at kinatok siya roon sa loob, "Hoy! Tama ba naman na iwan mo ang bisita mo rito?" Sabi ko ka pa habang kinakatok ang pinto niya.
Nilakasan ko pa iyon dahil parang wala siyang balak na pagbuksan ako ng pinto.
"Ano ba 'yon? I'm studying here, Mr. Alcazar." Galit na sabi niya nang sa wakas ay binuksan na niya ang pinto niya.
Mr. Alcazar, huh? Nasaan na 'yong Adrian?! Tsk.
"Sama ako." Sagot ko. Ngumuso pa ako nang tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ang dami mong arte." Sabi niya at tumalikod sa'kin, pero hindi niya isinara ang pinto kaya napangiti akong bumalik sa sala at kinuha ang mga gamit ko at pumasok sa kwarto niya.
Sa kama niya ako pumwesto. Nakadapa ako roon habang pinabasa ang notes ko sa isa kong major subject.
Napapatingin ako minsan doon kay Archer na nakaupo sa study table niya at seryosong nagbabasa.
Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin sa kan'ya. Suot niya as usual ang eye glass niya. Nakabagsak sa noo niya iyong medyo basa niyang buhok. Nakakapanibago dahil laging nakataas iyon.
Nakasuot din siya ng pangtulog. White t-shirt at black na pajama.
Napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa'kin. Nagkunwari akong binabasa ang notes ko. Palihim ulit akong tumingin sa kan'ya, pero nagtama ang mga mata namin.
"Inaantok ka na?" Tanong ko. Papikit na kasi ang mata niya. Mukhang kanina pa siya nagbabasa.
"Hindi pa naman." Sagot niya saka nag-inat. Umayos ako ng upo sa kama niya at humarap sa kan'ya.
"Halata namang inaantok ka na. Itulog mo muna 'yan. Baka mas lalo ka lang walang masagot sa exams mo kapag napuyat ka." Sabi ko pa.
"Mamaya na. Kung inaantok ka na, umuwi ka na." Sagot niya at binalik na ulit ang tingin sa binabasa niya. Humikab pa siya kaya napairap ako.
"Dito muna ako hanggang sa hindi ka pa inaantok." Sabi ko at dumapa na ulit at sinubukang basahin ang nasa libro ko. Puro mga about lang naman iyon sa marketing. Madadaan naman 'to sa common sense at sa stock knowledge.
"Bahala ka." Sabi niya.
Hindi ko maiwasan na mapatingin ulit sa kan'ya dahil ilang beses ko na siyang naririnig na humihikab. Pinipigilan niya lang yata ang antok niya.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024