Chapter 8

2.6K 93 17
                                    

Chapter 8:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Pre, ano 'yong nakita kong nasa bahay niyo si Archer kahapon?" Iyon ang bungad ni Davy nang maglunes na.

Paano na naman nakarating sa kan'ya? Ayos, ah.

"Saan mo naman 'yan nakuha, ah?" Binatukan ko siya. Lahat na lang nalalaman niya, e.

"Sa story ni Tita Marren." Tumawa siya. "Ang sweet niyo ro'n, pre." Patuloy niya pa, nang-aasar si gago.

"Gago ka." Sinakal ko siya gamit ang braso, pero ang tanga, tumatawa pa rin.

"Hindi naman kita i-ju-judge kung mabaliko ka, pre." Nagtaas-baba ang kilay niya nang makawala siya sa'kin. "Hindi naman kita masisi. Ang ganda nga namang lalaki ni Archer." Patuloy niya kaya sinubukan ko ulit siyang huliin, pero mabilis na umiwas ang gago.

"Tang ina ka! Alam ko 'yang ugali mo!" Mas tumawa siya dahil sa sinabi ko kaya mas lalo lang akong nabanas sa kan'ya. Siraulo! Huwag niya talagang subukan at sasapakin ko siya.

"Bakit?" Tumawa siya, "Hindi naman talaga kayo kaya pwede ko siyang—"

"Hayop ka. Hindi ka no'n papatulan!" Agad ko siyang hinabol, pero mabilis ulit siyang tumakbo para iwasan ako. Natatawa pa rin ang gago. Hindi ako natutuwa!

"At sino lang papatulan? Ikaw?" Ngumisi siya na parang anak ni Satanas. "Ingat ka, pre. Baka ang dapat na pagpapanggap lang ay maging totohanan na." Sabi pa niya. Ang lakas pa ng tawa niya.

Anak ng... parang gano'n din 'yong sinabi ni Ate kahapon, ah...

"You're here!" Excited na sigaw ni Mommy nang makita kami. Binitawan niya ang hawak na sandok at agad na lumapit sa'min.

Akala ko ako ang una niyang yayakapin, pero kay Archer siya agad lumapit. Kumunot tuloy ang noo ko.

"Wala na, tinakwil ka na ni Mommy." Bulong ni ate at natatawang nakatingin kay Mommy at Archer.

"My, nandito ako, oh. Parang hindi mo na ako kilala, ah?" Agad naman na tumingin sa'kin si Mommy.

"Ay nand'yan ka pala, 'nak. Hindi kita napansin." Sagot niya. Nakita ko pa ang pigil na ngiti ni Archer dahil sa sinabi ni ng Mommy ko.

Nagpaalam muna ako na magbibihis lang nang niyaya ni Mommy si Archer na magluto roon. Nasabi ko kasi kay Mommy na magaling din magluto si Archer.

Bumaba rin ako agad matapos kong magbihis ng pang bahay na damit. Sando at shorts lang.

Naabutan ko sila na nagbe-bake na roon. Mukhang nage-enjoy naman doon si Archer dahil nagtatawanan sila ni Mommy. May kung ano yatang kinukwento sa kan'ya ang nanay ko. Kung ano man 'yon ay hindi ko alam.

"Psst." Napatingin ako kay ate nang tawagin niya ako. "Mom likes him." Sabi niya at tumingin din sa kinaroroonan nila Mom at Archer.

"Bakit naman kasi hindi niya magugustuhan?" Sagot ko.

"Oo nga naman." Tumango-tango siya, "Matalino, mabait at gwapo, plus, marunong din magluto." Patuloy niya pa.

"You're lucky..." tinignan niya ako, "Na pinatulan ka ni Archer." Tumawa pa siya sa huling sinabi. "Kung wala lang siguro akong asawa at anak ngayon, aagawin ko siya sa'yo." Patuloy niya at malakas na tumawa.

Nagsalubong ang kilay ko. Matutuwa ba ako sa sinabi niya?

"Anyway, parating na si Dad. Sana pati siya ma-convince mong kayo talaga ni Archer." Sabi niya at tinapik pa ang balikat ko. "Mom, alis na ako. Naghihintay na mag-ama ko sa bahay." Paalam niya kay Mommy. Nagpaalam din siya kay Archer bago niya ulit ako tignan.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon