tw: mention of suïcïde and accident.
Chapter 28:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"I saw something that reminded me of you."
Napangiti ako nang pagkasagot ko ng phone ay iyon ang bungad ni Archer sa kabilang linya.
"Hmmm?" Nanghihinang tugon ko habang nakapikit. Masakit pa kasi ang ulo ko.
After the exam yesterday, bigla na lang akong nilagnat. Sa lunes pa naman na ang opening ng foundation week ng North Lavender University.
"It's a dog plushie toy." Sagot niya.
"Sinasabi mo bang mukha akong aso?" Tanong ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya napangiti rin ako.
"Oo, tahol ka nga." Sabi pa niya.
"Tsk. May sakit ako, oh. Ang sama pa rin ng ugali." May bakas ng pagtatampo sa boses ko.
"Oo nga pala, I cooked a soup for you. Nand'yan na sa side table. May gamot na rin diyan. Inumin mo 'yan, huh?" Bilin niya. "I need to hang up na, pauwi na ako."
"Okay. Ingat, baby." Pahabol ko bago niya patayin ang linya.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama at kinuha 'yong soup na niluto niya para sa'kin.
Nang matapos kong kumain at uminom ng gamot ay natulog na lang ulit ako. Nagising lang ako nang may humawak sa noo ko.
Nang imulat ko ang mata ay nakitang si Archer iyon kaya napangiti ako.
"Bumaba na lagnat mo. Sa susunod kasi, huwag magpakabasa sa ulan, ha?" Napatango na lang ako sa sinabi niya.
Sinuong ko kasi ang ulan kahapon para puntahan siya sa building ng Pol Sci...
"Ender, may payong ka?" Lingon ko sa katabi ko. Paalis na kami sa room at napatingin ako sa labas, umuulan. Tapos na ang exam namin.
"Wala." Tipid na sagot niya.
Wala ring payong si Archer.
"Una na ako, may susunduin pa ako." Tinapik ko sa balikat si Ender saka mabilis na naglakad palabas.
Inayos ko muna iyong bag na dala ko, inilagay ko sa harap saka ako tumakbo para pumunta sa store sa labas ng university para bumili ng payong.
Basang-basa ako nang makarating ako sa building nila Archer, nang makita niya ako ay kunot ang noo niya.
"Para kang basang sisiw, bakit ka ba sumuong sa ulan?" Tanong niya.
"Alam ko kasing wala ka ring payong." Sagot ko. I handed him the umbrella na dala ko.
"Kapag ikaw nagkasakit." Irap niya saka kinuha iyong payong sa kamay ko. Sabay na kaming naglakad para makauwi na at makapagpalit na dahil nagsimula na akong lamigin.
"Kain ka para tuluyan ka nang gumaling. Hina mo palang nilalang." Sabi niya at umupo sa gilid ng kama para masubuan ako.
"Nand'yan ka naman para alagaan ako." Sagot ko. Kinurot niya ako sa braso kaya napatawa ako.
"Huwag ka masasanay." Sabi pa niya kaya napatikhim ako.
"Gusto ko." Sagot ko.
"Hindi naman ako laging nandito sa tabi mo, ano." Sabi niya at sinubuan ulit niya ako noong soup na niluto niya.
"Hindi ako papayag! Gusto kong nandito ka lagi sa tabi ko." Sagot ko. Umirap siya at saka ako inabutan ng tubig.
"Clingy mo naman." Kunot noong sabi niya.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romansaseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024