Chapter 14:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Tigilan mo na lang ako. Bliss is the only family I have, Alcazar, kaya kung lalayuan mo ako, tatanawin ko 'yon na malaking utang na loob."
The words he said that day echoed in my mind.
Kahit ayaw kong ihiwalay ang mata ko sa kan'ya, iniwas ko ang tingin. Pinagpatuloy ang performance, kahit na hindi ko alam kung okay pa ba 'yon dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Ang mga salitang binitawan niya noong araw na 'yon, ang laking impact no'n sa'kin.
"Bliss is the only family I have, Alcazar."
Iyon talagang linya na 'yan ang bumabagabag sa utak ko ngayon. Kahit siguro gustuhin kong mas mapalapit sa kan'ya, hindi p'wede.
Dahil kapag ginawa ko pa 'yon, mas malaking problema ang dadalhin ko sa kan'ya.
Wala na ang Mama niya. His dad disowned him. Galit sa kan'ya si Bliss because of what I did, kaya tama na talaga. Ayaw ko na dagdagan pa 'yong problemang dinulot ko sa kan'ya.
"What's your plan sa undas break?" Tanong ni Cali nang matapos ang performance namin. Ine-enjoy na namin ang ang ibang performers from other clubs.
"We're going to my Mom's province, bibisitahin namin ang puntod ni Lola." Sagot ni Kens. "Kayo ba?"
"Sa bahay lang siguro ako." Sagot ni Andrei. Hindi na kami magtataka roon. Kapag bakasyon, hindi 'yan nakakatakas sa kanila maliban na lang kung pinaalam namin siya.
"Same, sa bahay lang din ako." Si Rowan.
"Ako at si Arrow, pupuntang sementeryo. Bibisitahin namin 'yong kaluluwa ng patay niyang puso." Umalingaw-ngaw ang pagtawa ni Davy nang samaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Tang ina ka. Baka ikaw susunod na bibisitahin namin sa sementeryo kapag sinapak kita ngayon." Sagot ko. Pero dahil sa sinabi ko, mas lalo lang nila akong inasar-asar.
"Buti nga sa'yo, Arrow. Bayad na ang mga kasalanan mo sa mga babaeng winasak mo." Ria said kaya nagtawanan lalo sila.
"Ibang wasak naiisip ko." Sabi ni Maeve dahilan para magsigawan sila, ang inosente pa kasi ng pagkakasabi ni Maeve. Napahawak na lang ako sa bridge ng ilong ko at napapikit dahil sa ugali nila. Hindi ko alam kung bakit napagtiisan ko 'to ng ilang taon.
We've been friends since our freshmen year. Sa music club kaming nagkakilala lahat. Kenna and the rest of the girls are friends since high school, at kilala ko na rin si Kenna dati pa, kami ni Davy naman ang magkakilala na rin since high school dahil same kami ng school na pinasukan. Si Andrei at Rowan naman, nakilala lang namin noong sumali rin sila sa music club.
Nabuo ang barkadahan namin dahil sa hilig namin sa music. Kahit na hindi nasali sa banda ang ibang girls, napalapit din talaga sila sa'min since palaging buntot ang mga 'yon kay Kenna.
Dumating nga ang undas break. Sa bahay lang kami ngayon. Buhay pa naman ang mga Lola at Lolo ko both side. Iyon nga lang, nasa probinsya ang Lola at Lolo ko sa mother side. Kay Dad naman, nasa ibang bansa. Mga important occasions, Christmas and New Year lang namin sila nakakasama.
"Naks. Buti umuwi ka?" Bungad ni ate pagkapasok ko sa bahay. Nasa living room siya nakaupo sa sofa habang may hawak na libro.
I arched my brow. Ginawa na namang tambayan ang bahay namin. Tsk.
"Tito, Ayyow!"
Agad akong napangiti nang biglang tumakbo papunta sa'kin ang three years old kong pamangkin.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
RomanceLavender Band Series 1(a bl story): It's all about me and him... and what's behind our veiled desires. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024