Chapter 25

5.3K 198 37
                                    

Chapter 25:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Pre, si Archer." Siniko ako ni Davy kaya napatingin ako sa itinuro niya gamit ang bibig.

Napangiti agad ako nang makita siyang papalapit na sa'min. Pero nawala lang 'yon nang biglang may lumapit sa kan'ya na lalaki.

Sino naman 'yan?

"Tang ina." Napalingon ako kay Davy nang ibulong niya 'yon, matalim din ang tingin sa dalawang nasa harap namin.

Doon ko lang na-realize na familiar nga iyong lalaking lumapit kay Archer.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate 'yon. Kumunot ang noo ko.

Archer:

Magkita na lang tayo sa condo. Emergency lang.

Nang ibalik ko ang tingin sa kinaroroonan nila Archer kanina ay naglalakad na sila noong lalaki.

"Hindi, okay lang ako gagi." Naririnig ko pa ang bulong ni Davy sa tabi ko, pero kahit ako ay natutulala na lang.

"Guys, una na ako. May emergency." Sabi ni Andrei na hawak ang phone niya at hindi na hinintay ang sagot namin at agad nang tumakbo paalis.

Napakunot na lang ang noo ko. Anong emergency? Bakit ang dami namang emergency?

Nawalan na ako ng gana na maglibot sa field kaya nagpaalam na rin ako sa kanila na uuwi na.

Pagkarating ko sa unit ni Archer ay hindi pa ako mapakali. Ano ba kasi 'yong emergency na sinasabi niya? At talagang kasama iyong lalaki? P'wede namang ako na lang ang isama niya?

Tang ina. Napasabunot na lang ako sa sarili buhok at pabagsak na umupo sa couch saka pumikit.

Gusto kong mag-demand sa kan'ya, pero wala pa namang kami. Akong karapatan kong mag-demand? Wala pa akong karapatan.

Malay ko ba kung sino 'yong lalaki na 'yon? Baka nga mas matagal na niya 'yon na kakilala, tapos ako ngayon lang naman. Bago lang ako sa buhay niya. Kaunti pa nga lang ang alam ko sa kan'ya.

Pero tang ina. Gusto ko siyang ipagdamot. Gusto kong ako ang kasama niya kapag may mga emergency siya. Gusto kong ako ang kasama niya every time he needs help.

Hindi ko alam kung ilang oras akong naghintay sa kan'ya, madilim nang dumating siya.

"Kanina ka pa rito?" Tanong niya. Iniwas ko ang tingin. Nagtatampo ako. Bakit kasi hindi na lang ako ang sinama niya, 'di ba?

"You're upset?" Nagtanong pa. Halata naman, 'di ba? Na wala naman dapat akong ika-upset. Pero anong magagawa ko kung iyon ang nararamdaman ko?

"Sino 'yon?" Tanong ko. Salubong ang kilay ko nang tumingin ako sa kan'ya. Umupo siya sa tabi ko at humarap sa'kin.

"Ah, my friend from other university." Sagot niya.

"Archer," mahinang tawag ko sa kan'ya. Yumuko rin ako para hindi niya makita ang mata kong hindi ko alam kung bakit bigla na lang naluluha. Siguro dahil sa frustration.

"Hmmm?"

"I want to know you more." Bulong ko. Nang magtama ang mata namin ay agad na kumunot ang noo niya.

"Umiiyak ka ba?" Medyo natawa pa siya kaya napasimangot ako. Naiiyak na nga 'yong tao tatawanan pa niya.

Yumuko ulit ako. "Tumatawa pa nga." Bulong ko. Mas lalo lang siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sira ulo rin, e.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon