Chapter 18:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Seryoso?"
Iyon agad ang bungad niya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng unit niya. Matapos kaming mag-usap kanina sa call ay pumunta na ako rito para sunduin siya.
"Oo nga." Sagot ko. "Tulungan kita mag-impake." Patuloy ko habang sumusunod sa kan'ya sa kwarto niya.
"Bakit?"
Kumunot ang noo ko, "anong bakit?"
"Bakit niyo ako isasama?"
"Bakit hindi?" Humarap ako sa kan'ya. Kunot na kunot pa ang noo niyang nakatingin sa'kin.
"Bakit nga?" Sabi niya saka pumasok sa kwarto niya kaya sumunod ako. Bumuntong hininga pa ako saka pumikit.
"Paulit-ulit na lang tayo rito. Gusto ka ngang isama nila Mom and Dad." Sagot ko. At gusto ko rin. Umupo siya sa gilid ng kama niya at mariing nakatingin sa'kin.
"Bakit? Hindi naman ako parte ng pamilya niyo." Mahinang sabi niya saka umiwas ng tingin. "Masisira ko lang ang family bonding niyo." He added.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa huling sinabi niya, "Archer." Tawag ko sa kan'ya. Agad din naman siyang tumingin sa'kin.
"P'wede mo naman kaming ituring na pamilya." Marahang sabi ko saka tumayo sa harap niya. Nakatingala na siya ngayon sa'kin. "Simula ngayon, parte ka na sa pamilya namin." Patuloy ko.
Kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para na akong nalulunod sa mga mata niya, nanatili lang akong nakatingin doon.
"Kaya kung ayaw man sa'yo ng tunay mong pamilya, kami, kami ang tatanggap sa'yo." Patuloy ko.
Kumurap siya ng dalawang beses. Nakita ko rin ang paglunok niya. Dumapo ang tingin ko sa mga labi niyang nang-aakit. Ano kaya sa feeling na mahalikan 'yan?
Tang ina, parang gusto kong batukan ang sarili dahil kung ano-ano na naman ang naiisip.
Agad kong iniwas ang tingin. Tumalikod pa ako saglit para lang pumikit saka humarap ulit sa kan'ya na parang walang ibang naiisip!
"Tulungan na kita mag-empake? Maaga tayo aalis bukas." Mabilis na sabi ko. Tumikhim ako at naglakad papunta sa cabinet niya at binuksan iyon.
Narinig ko na tumayo siya at lumapit sa'kin kaya pinakalma ko ang nagwawalang puso. Tang ina naman kasing isip mayro'n ako.
"Ano bang mga damit dadalhin mo?" Tanong ko habang tinitignan ang mga damit niya sa drawer. "Ito bagay sa'yo," tukoy ko roon sa mga t-shirt na nandoon, parang lahat naman ng suotin niya ay kaya niyang dalhin. "Ito rin. Lahat na lang kaya?" Patuloy ko saka inilalabas iyong mga damit doon at pinatong sa kama niya.
Kinuha niya iyong maliit na maleta sa gilid ng cabinet at binuksan iyon para ilagay ang mga gamit na gusto niyang dalhin.
"Malamig ba roon? Wala akong pangmalamig na damit." Sabi niya kaya napalingon ako sa kan'ya.
"Daan tayo mamaya sa mall, bibili rin ako ng akin." Sagot ko, hindi rin kasi ako sure kung malamig ba roon, o gaya lang din dito sa Pinas na nadadaan lang sa hoodie.
Tumango siya at nagsimula nang tupiin iyong mga napili niyang damit.
Tinulungan ko na rin siya roon para mas mabilis. Matapos no'n ay umalis na rin kami dahil dadaan pa kami ng mall.
"May tanong lang ako." Marahang sabi ko nang nasa daan na kami. Ako ang nag-da-drive. Lumingon naman siya sa'kin saka tumango.
"Sige lang."
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romansaseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024