Chapter 15:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘Nang makita ko siya kanina, akala ko imagination ko lang, totoo pala talagang nandito siya. Kung ano man ang dahilan, hindi ko alam. P'wede naman siyang tumanggi kay Mommy kung ayaw na niya talagang mapalapit pa sa pamilya ko. Rerespetuhin ko naman 'yong desisyon niya.
Agad akong umiwas ng tingin at agad na umakyat sa hagdan. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay napasandal na lang ako sa pinto at ginulo ang buhok out of frustration. Tang ina. Nakababaliw naman nito.
Bumuga ako ng hangin saka kinuha ang towel at kumuha ng damit saka dumeretyo sa banyo para makaligo na. Kailangan kong magbabad sa tubig dahil masyado yatang mainit ngayon?
Tang inang mukha kasi 'yon. Wala namang nagbago, e. Nakasuot pa rin naman siya ng salamin. Tumatama ang buhok niya sa kilay niya. Nakasuot ng black na long sleeve na bukas lahat ng botones at sa loob no'n ay ang white t-shirt. Naka-tuck in iyon sa black niyang suit pants.
'Di ba? Wala namang kakaiba roon, pero bakit nag-iinit ang buong katawan ko? Gano'n ba ako kauhaw sa atensyon no'n kaya ganito ako? Tang ina. Tanggap ko nga na hindi kami p'wede, 'di ba? Aba nga naman at ginaganito pa ako ni universe.
Nang matapos maligo ay tulala lang ako sa salamin sa banyo habang pinupunasan ang buhok ko.
Bababa ba ako roon? O, baka umuwi na rin agad? Baka dumaan lang at pinagbigyan si Mom?
Ginulo ko ang buhok at inihagis sa lagayan ng basang damit ang towel na hawak at lumabas ng C.R. Umupo ako sa kama at nag-iisip kung lalabas ba ako.
Madali lang naman kasi talaga ako kausap. Kapag sinabi sa'kin ng isang tao na ayaw sa'kin, e 'di huwag. Lalayo talaga ako, pero kasi... si Archer 'yon! Siya naman itong lumapit. Sino ba ako para tumanggi?
Tang ina.
Marahas akong tumayo. Bubuksan na sana ang pinto nang may maalala. Pumunta ako sa side table at kinuha iyong pabango roon at in-spray sa katawan. Sumilip pa muna ako sa salamin at inayos ang magulong buhok. Pero agad ding napatigil, nangunot ang noo saka ginulo ulit iyon.
Bakit ba ako nag-aayos?
Tinignan ko ulit ang sarili sa salamin. Naka white printed t-shirt lang ako at black shorts. Nakasuot lang ng pang-bahay na tsinelas.
"Tsk. Bakit ko ba iisipin kung maayos ba ang suot ko? Sino ba 'yon para magpa-impress ako?" Pagkausap ko sa sarili saka kunot ang noong tinungo ang pinto at lumabas.
Naririnig ko pa ang boses nila ni Mommy sa kusina nang pababa ako ng hagdan.
"You're always welcome here, anak. Sabihan mo ako kapag sinaktan ka no'ng anak ko, ah. Makukurot ko 'yon." Narinig ko pang sabi ni Mom nang umupo ako sa sofa rito sa living room.
Tsk. Bakit parang mas anak na ngayon ni Mom 'yan? Baka kahit kasalanan niya ako pa rin ang masama sa paningin ni Mommy.
Ako nga itong tinaboy, Mom. Tsk. Sa aming dalawa, parang siya pa nga yata ang may lakas ng loob na saktan ako.
Mula rito sa sala, nakikita ko sila roon sa kusina habang may niluluto for dinner. Dito ba siya kakain? Uuwi pa ba 'to sa condo? Napatingin ako sa labas, gabi na, ah.
Narinig ko ang tawa niya dahil sa mga sinasabi ng ina ko kaya napatingin ulit ako sa kusina. Tang ina naman kasing tawa 'yan. Bakit ba tunog musika?
Bumuntong hininga ako at iniwas ang tingin doon sa kanila. Nahagip ng mata ko ang gitara sa tabi ng malaking flat screen tv.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Roman d'amourseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024