Chapter 19

4.7K 209 68
                                    

Chapter 19:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Gago ka, Arrow! Sino 'yong nasa ig story mo?!"

Sigaw iyon mula kay Kenna. Kahit sa video call ang ingay pa rin. Nag IG story kasi ako, picture namin ni Archer sa airport, tinakpan ko lang ang mukha niya ng emoji dahil alam kong magwawala na naman 'tong mga kaibigan ko, and kita naman ngayon.

At ayaw ko rin na maging uncomfortable si Archer. Saka ko na siya ilalagay sa lahat ng social media accounts ko kapag kami na.

Nag video call kami ngayon habang hinihintay namin mag-twelve mid night. Nakaugalian na namin 'yon every Christmas at new year para kahit papaano ay magkakasama pa rin kaming mag-celebrate.

"Oo nga hayop ka. May sino-soft launch ka na?" Si Davy.

Ngumisi lang ako sa kanila. Hindi ko rin maiwasan mapatingin sa katabi ko rito sa sofa ng hotel room namin na naglalaro na naman sa phone niya ng ML.

"Sino 'yan?! Hayop ka! May tinitignan siya! May kasama yata sa room niya!" Si Cali. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila dahil sabay-sabay na silang nagsisisigaw roon. Mga OA.

"Gusto niyo makilala?" Tawa ko nang medyo kumalma na silang tumahol.

"Edited 'yon, 'no?" Hirit pa ni Ria na ikinakibit-balikat ko.

"Yabang." Sabi ni Andrei kaya natawa ako. Nakita ko pang napalingon sa'kin si Archer kaya tumingin din ako sa kan'ya.

"Sino 'yan?! May kasama ka?!" Sigaw ni Davy kaya nabakik ang tingin ko sa iPad na hawak ko.

"Ano naman?" Natatawang sagot ko. Napasinghap pa siya at napatakip sa bibig na parang may na-realize kaya mas lalo lang akong natawa.

"Hayop ka." Sabi niya.

"Pakilala mo sa'min, Row nang mabalaan namin." Si Maeve na sumali na rin sa usapan.

"Tinakot mo 'yan 'no kaya sumama sa inyo?" Si Kenna.

Mga sira ulo.

Nilingon ko si Archer. Tapos na rin pala siyang maglaro at nakikinig na lang sa usapan namin ng mga kaibigan ko.

"Gusto ka raw nila makilala." I mouthed.

Nagsimula na naman silang mag-ingay. Sinabi pa ni Ria na nagpapanggap lang akong may kasama rito. Tsk.

"Delulu na naman 'yan, sha." Sabi pa ni Cali na sinang-ayunan nilang lahat.

"May kasama nga ako." Baling ko sa kanila.

"Ipakita mo kung matapang ka." Si Davy. Nang-aasar ang gago. May idea na siguro siya kung sino ang kasama ko.

Tumingin ulit ako kay Archer. Kahit gusto ko, ayaw ko naman na basta na lang siya ipakita sa kanila.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang umusog palapit sa'kin at sumilip doon, "Hi." He greeted them.

Kitang-kita ko sa screen ng iPad ko kung paano bumagsak ang mga panga nila, lalo na ang mga girls.

Ang tawa lang ni Davy ang naririnig dahil natahimik sila. Hindi na rin naman nagulat sila Andrei at Rowan.

"What the..." Gulat pa rin si Kenna. Natawa na lang ako. "Totoo ba 'to?" She added, tulala.

"Hi, Archer." Si Rowan. Binasag na siya ang katahimikan.

Bumati na rin si Davy at Andrei, habang ang girls ay tulala pa rin kaya kanina pa sila tinatawanan ni Davy.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon