unedited:
Special Chapter 2:"I got an invitation!"
Napatingin ako kay Archer nang bigla siyang sumigaw, nasa harap siya ng PC niya. Naglalaro lang kasi siya kanina habang ako ay tinatapos iyong pinapagawa ni Rayna para roon sa business research namin.
Tumayo siya at nakangiting umupo sa tapat ko.
"Invitation? Saan?" Tanong ko.
"Art exhibit sa Kabisera, malapit na fiesta kaya naghahanap si Gov ng mga artists na magpapasa ng artworks nila." Sagot niya.
Tumayo siya ulit at pumunta roon sa mga paintings na nagawa nitong mga nakaraang araw. Inspired, kaya ayan dumadami na ulit ang nagagawa.
"I sent this yesterday," sabi niya at kinuha iyong water color painting na kagagawa ko lang. Iyong nasa painting ay naglalarawan sa nararamdaman ko noong mga magdaang mga buwan.
It was a painting of a boy, standing in the middle of nowhere. May path way sa gitna. At sa gilid ng pathway ay ang maraming nakabukas na pinto ang nakapalibot doon, ang mga pinto na 'yon ang nagsisimbulo sa rami kong hobbies. Pero kahit na gaano pang pintong nakabukas, hindi ko pa rin alam kung saan papasok.
Sa dulo ng pathway, may details na sa unang tingin ay hindi mo mapapansin. May maliit pang pinto ang nandoon. Hindi gaya sa mga naunang mga pinto, nakasara ang pinto na 'yon, para makita mo kung ano ang nasa loob, kailangan mong pasukin.
That represent my love to painting. Na kahit paulit-ulit kong isara, kusa pa ring bumubukas para sa'kin.
"Hmmm? Bakit 'yan? Hindi naman iyan 'yong pinakamaganda sa mga paintings na nagawa ko." Sabi ko, tumayo rin at lumapit sa kan'ya.
Tinignan niya ulit iyong painting na hawak, "Gusto ko 'yong meaning na pinapaabot ng artist na gumawa nito, e." Sagot niya saka tumingin ulit sa'kin.
He smiled widely, pinulupot niya ang kamay sa bewang ko at sinandal ang ulo sa dibdib ko kaya napangiti ako at niyakap ko rin siya pabalik.
"Thank you." I whispered, "For believing in me." Patuloy ko. Hindi ko pa rin kasi talaga lubos maisip na binigay ni Lord sa'kin ang very supportive na boyfriend.
"Bukas sasamahan kita roon para ipasa 'to. For sure mapapansin ng mga ibang artirst 'to." Sabi niya at inangat ang ulo para tignan ako.
"Gwapo mo talaga, tapos maganda pa." Bulalas ko. Siniko naman niya ako kaya natawa ako. Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo niya saka ko ginulo ang buhok niya. "Mamaya na tayo maglandian, sa business research muna ako." Patuloy ko.
Natawa naman niya at bumitaw na sa pagkakayakap sa'kin. Bumalik kami sa kinauupuan ko kanina. Pinapanood niya lang ako habang gumagawa ng research.
Kinabukasan nga ay pumunta kami sa Kabisera after ng klase namin. Kasama rin namin si Davy at iyong boyfriend niya.
"After natin dito, tara sa seaside." Sabi ni Davy, napatingin ako sa kan'ya, nakaakbay siya roon sa boyfriend niya.
Dahil inggit ako, pinatong ko rin ang braso ko sa balikat ni Archer.
Pumasok kami sa loob ng gymnasium. May mga ilang naka-display na rin doon na mga iba't ibang uri ng arts, karamihan ay paintings.
"Ryle Archer! EK!"
Agad na lumapit si Archer doon sa babaeng tumawag sa kan'ya, may suot na ID ng ibang university.
Nagkatinginan kami ni Davy. Binabasa niya yata ang reaksyon ng mukha ko.
"Kate," mas kumunot ang noo ko nang biglang yakapin no'ng babae si Archer at 'yong boyfriend ni Davy.
Nagkatinginan ulit kami ni Davy. Nagsusukatan kami ng tingin, pero ilang sandali pa ay ngumisi ang gago kaya tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024