Chapter 11:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"What the hell, pre!"
Iyan ang bungad ni Davy nang maglunes na. Busy ako magtono ng gitara nang bigla siyang sumulpot dito sa music room.
"Tinanggihan mo si Lucy?!" OA na sabi niya nang nasa harap ko na. Hindi makapaniwala ang mukha niya na namumula pa?
"Anong nangyari diyan sa mukha mo?" Kunot ang noong tanong ko, hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Anong magagawa ko kung hindi ko trip 'yong Lucy na sinasabi niya? Alangan naman na mag-aaksaya kami ng oras sa isa't isa? Gusto ko rin naman na kilalanin siya, iyon nga lang wala akong gana. Wala akong ganang kumilala ngayon.
"Dude, she slapped me!" Sagot niya. Kumunot ang noo ko, pero natawa rin kinalaunan. "Dapat ikaw ang sinampal no'n, e. Tang ina, parang na-dislocate 'yong bungo ko." Sabi niya, hawak ang mukha niyang namumula.
"Ano ba kasi ang trip mo at ayaw mo sa kan'ya? She's so hot, dude. Kung alam ko lang na tatanggihan mo siya, e di sana ako na lang lumandi." Sabi pa niya. Kinuha niya iyong electric guitar na nasa gilid ko at sinimulang i-strum iyon.
"Hindi ko rin alam." Mahinang sagot ko na medyo natulala pa kaya agad niya akong sinipa. "Biglang nawalan ako ng gana na kilalanin siya, e." Patuloy ko na naiiling. Siya naman ngayon ang kumunot ang noong tumingin sa'kin.
"Baka kasi may iba kang gustong kilalanin?" Makahulugan niyang tanong.
"Siguro nga." Natatawang sagot ko. Sinipa niya ulit ako na natatawa rin. Para siguro kaming tanga ngayon. Tang ina. Magkadugtong nga siguro ang mga bituka namin.
"Mag-perform daw tayo ngayong halloween party ng univ?" Tanong ni Kenna nang hapong iyon nang pinatawag kaming lahat ni Rowan.
"Yup." Tango ni Rowan. "Mag-isip na kayo kakantahin natin. Gusto niyo cover na lang ulit tayo, o 'yong original composition natin?" Sabi pa niya.
No'ng mga sumunod na araw ay iyon nga ang pinagkaabalahan namin. May mga naisip na silang costume, pero 'yong songs wala pa.
"What if, Fallen by Lola Amour?" Suggestion ni Davy. Tumingin pa siya sa'kin saka ngumisi kaya tinaas ko ang middle finger ko sa kan'ya. Gago, e. Alam ko 'yong ibig sabihin ng ngisi ng demonyo.
"May isip ka pala, Davy. Ngayon lang ako a-agree sa suggestion mo." Si Kenna. Tumawa ang girls at tumango-tango naman si Rowan at Andrei.
"Estranghero by Cup of Joe, p'wede rin." Suggestion ko rin. Tumingin ulit sa'kin si Davy na napapatakip pa sa bibig niya para lang pigilan ang pagtawa. Nakakainis tang ina.
Para siyang gago. O gago talaga siya.
"Halloween party 'yon tapos gan'yan mga kakantahin niyo?" Si Ria. Kunot ang noo. "Mga in love ba kayo?" Patuloy niya pa.
"Ay si Arrow tanungin mo, Ri." Si Davy kaya agad ko siyang sinipa. Bakit ako? Nananahimik 'yong tao. Nag suggest lang naman ako. Kung ayaw nila, e'di huwag.
"So, ano nga? Ano ba magandang i-perform kapag Halloween? Required ba na dapat nakakatakot din 'yong song?" Si Cali. Kahit na hindi naman sila kasali sa school band, nandito pa rin sila para moral support daw.
"Kung p'wede lang kantahin namin mukha ni Davy at Arrow ginawa na namin. Nakakatakot din naman mga pagmumukha nila." Sabi ni Kenna na ikinatawa ni Andrei at Rowan pati ang ibang mga girls.
Hindi ko sila pinsansin. Busy akong mag-type sa phone ko ng message kay Archer.
Adrian Arrow:
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024