Chapter 4

3.3K 122 31
                                    

Chapter 4:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Adrian Arrow Alcazar!"

Napaiwas ako dahil pagkapasok pa lang ni Kenna sa music room, kasama ang ibang girls ay ibinato na sa'kin 'yong bag niya.

"Ano ba 'yon?" Inis na tanong ko. Wala naman akong naaalala na kasalanan sa kan'ya!

"Is it true?! You and Archer?!" Sigaw niya. Lumapit pa siya sa'kin para lang sabunutan. Anak ng tokwa.

"Ano naman?" Sagot ko.

"Why you didn't tell us!" Sigaw pa niya.

Hindi naman siya nagtanong?

"Iyan kasi napapala nang hindi pumunta sa engagement party." Malakas ang tawa ni Davy nang sabihin niya 'yon.

Ako na naman nabunot nila.

"Hindi na pala kiffy ang hanap mo, Arrow? Deck na pala?" Mas lumakas ang tawa nila nang sabihin iyon ni Ria. Bwesit na 'yan.

"Tama na 'yan, practice na tayo." Singit ni Rowan sa kalokohan nila.

Tinantanan din naman ako ng mga girls dahil nagsimula na kami mag-practice ulit.

"Hindi ako satisfied." Sabi ni Rowan nang matapos ang first attempt namin tugtugin ang buong kanta. "Hindi harmonize. Muntik na rin magsabay 'yong drum at bass." Patuloy niya.

Tumango-tango kami. Kapag sa banda talaga, seryoso kaming lahat. Kami rin kasi ang pride ng university namin. Kahit na bakasyon kapag may mga competitions, sinasali talaga nila kami.

Sinubukan ulit namin tugtugin ang buong kanta. According to Rowan, mas okay na ang pangalawang attempt namin kaysa roon sa nauna. Pero marami pang i-improve. Goal kasi talaga namin na manalo kahit isang beses lang sa battle of the bands.

Nang matapos ang practice namin ay nagpaalam na ako sa kanila dahil napag-usapan namin ng kagrupo ko sa business research one na may meeting kami ngayon.

Sa library ang napag-usapan namin. Mas okay raw doon dahil mas tahimik compared sa cafe. Which is tama naman. Marami na rin kasi ang tumatambay sa cafe ngayon.

"Mag-gather muna tayo ng relevant topics. Kailangan natin matapos 'tong literature review ngayong Midterms." Sabi ni Rayna na leader namin.

"Ako na bahala sa dasal." Sabi ko dahilan para samaan ako ng tingin ni Rayna. Parang nagbiro lang, e.

"Hati-hatiin na lang natin para mas madali. Si Arrow na kasama ko para mabantayan ko siya." Sabi ni Rayna. Yare na.

Magrereklamo pa sana ako, pero hinila na niya ako para umupo sa tabi niya.

Nine pm na nang umalis kami sa library. Parang kami na iyong last na lumabas. G na g kasi si Rayna. Bukod kay Ender, isa rin kasi siya sa mga Dean's and President Listers, e. Baka kapag hindi namin sineryoso 'tong research, kami pa dahilan ng pagbagsak niya.

"Arrow, iyong pinapagawa ko ah. Dapat matapos mo 'yon bukas or sa susunod na araw." Iyon ang huling sinabi ni Rayna bago siya sumakay sa kotse niya.

"Oo, ako bahala ro'n." Sagot ko at naglakad na rin ako para umuwi sa condo.

Pagkarating ko sa unit, naligo lang ako saka humarap ulit sa laptop para ituloy 'yong iniwan ni Rayna sa'kin na part. Para naman daw may ambag ako.

Tinapos ko lang iyon bago ako pumasok sa kwarto ko.

Habang hindi pa inaantok ay nag-open na muna ako ng socials ko. Inaabangan ko rin kasi ang reply ni Archer. Kaso, wala. Ampota. S-in-een lang kasi ako kagabi.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon