Chapter 32

1.3K 83 7
                                    

Chapter 32:

∘₊✧──────✧₊∘
TO BE CONTINUED
∘₊✧──────✧₊∘

How to unlove someone?

May nakapagsabi sa'kin noon na, you really can't unlove someone else. Nasasanay ka lang na hindi na 'yon maramdaman sa isang tao.

Just like the pain. Nasanay ka lang na indahin ang sakit, pero kapag may nagpaalala sa'yo no'n, mararamdaman mo ulit. Nasa likod lang siya ng utak mo at
naghihintay lang na mahanap mo.

And it's also like happiness. Mawala man siya sa'yo ng matagal, may taong handang ibalik 'yon sa'yo.

Adrian brought that happiness in me again. Kasiyahan na matagal ko nang hindi nararamdaman. Kaya, how can I hate him?

Hindi ko talaga kakayanin kung mawala siya sa'kin. Hindi ako papayag. Isusumpa ko na talaga ang dapat sumpain kapag nangyari 'yon.

"Uuwi ka na, Archer? Hindi ka ba sasama sa'min mag-inom?"

Umiling ako sa sinabi ni Shaina nang matapos ang meeting namin.

"I need to go, may sakit kasi si Adrian. Thanks sa invite, next time na lang ako sasama." Sagot ko.

Inasar pa nila ako kaya natawa na lang ako, "Sana all na lang talaga may bebe. Unfair talaga ang life." Sabi pa ni Warren kaya mas lalo nila akong inasar.

Nagpaalam ako sa kanila nang tumunog ang phone ko, tumatawag ang Mama ni Bliss. Siguro pinipilit pa rin niya ako na bumalik sa bahay.

"Hello, Tita?"

"Archer!" Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang umiiyak niyang boses. "Archer, si Bliss."

"Tita? Anong nangyari? Napaano si Bliss?" Kinakabahang tanong ko.

"She's... n—naabutan ko siya kanina sa kwarto niya, duguan." Sagot niya.

Napalunok ako, "Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo." Tanong ko dahil sa pag-iyak niya. Nasaan ba si Daddy? Hindi ba nila kasama?

"We're going to Lavender Hospital." Pagkasagot niya ay pinatay ko ang linya at mabilis na lumabas ng Cafe kung saan kami nag-meeting at pumara ng taxi.

Naabutan ko si Tita sa tapat ng emergency room, umiiyak. Napatigil lang ako nang makita na nandito na rin si Daddy.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon. Adrian's calling. I texted him earlier na hindi muna ako makakauwi.

"Hello? What emergency? Are you okay?" Agad na tanong niya pagkasagot ko ng tawag.

"I'll call you back." Agad kong pinatay iyon nang lumingon sa'kin si Daddy.

Galit na galit siyang lumapit sa'kin. Napahawak na lang ako sa kaliwang labi nang suntukin niya ako roon. Nahigit ko rin ang hininga nang marahas niyang hinawakan ang kuwelyo ng suot kong t-shirt.

Umawat si Tita, pero hindi ako tinigilan ni Daddy. Mas lalo niya lang hijigpitan ang hawak sa'kin. Kulang na lang ay sakalin niya.

Ang takot na pakiramdam na akala ko hindi ko na ulit nararamdaman ay unti-unti na namang bumabalik sa isip ko.

Nagsimulang manginig ang tuhod ko nang maalala ang araw na 'yon. Noong sinasaktan niya si Mama sa harap ko. Ang araw kung saan nawala ang Mama ko sa akin dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"This is your fault! Dahil sa kabaklaan mo, nag-aagaw buhay ang kapatid mo!" Ang sigaw niya ang umalingaw-ngaw sa buong hallway ng hospital. Napapikit ako. Inaalala ang huling pag-uusap namin ni Bliss.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon