Chapter 30: Archer's POV
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Iced coffee for Arrow."
As soon as I get my order, which is matcha latte, babalik na sana ako sa table namin nang may makabanggaan akong lalaki.
"Sorry." Agad na sabi niya, mabuti na lang hindi natapon 'yong order ko.
Tumango lang ako sa kan'ya at naglakad na pabalik sa table namin ng mga kaibigan ko.
"Manonood ba tayo sa music fest?" Tanong ni Ailee as soon as I sat beside Isla. Tumango lang si Isla sa tanong ni Ailee.
"Arc, sama ka?" She asked and glance at me.
"Is it required?" Tanong ko.
"Yup. Lahat daw ng freshies need to attend there to support the university band." Sagot niya.
I sighed. Ayaw ko sana pumunta dahil maraming pinagawa mga prof namin sa minor subjects. Mas marami pa 'yon kaysa sa major namin.
"For sure kasi talo 'yong banda ng university natin dahil puro mga freshies din 'yong mga 'yon." Irap ni Isla. Agad naman siyang sinuway ni Ailee dahil baka may makarinig sa kan'ya.
"Shut up, Isla. Balita ko magagaling din naman 'yong mga taga music org na bago, block mate ko 'yong isa." Sabi ni Ailee.
"Speaking of org, we have a meeting sa Samahang Pantay-patay." Sabi ko. Iyon ang org kung saan pinapalawig ang pantay-pantay na karapatan ng bawat students, lalo na ang mga kabilang sa LGBTQIA community.
"Approved na kayo?" Tanong ni Isla.
"Yup, kahapon lang."
Bago lang kasi 'yong organization. Dati raw kasi hindi ma-approve-approve 'yong org. dahil hindi pa gano'n ka-open ang university pagdating sa karapatan ng mga kabilang sa LGBTQIA+ community students. Inilaban talaga namin ang org. na 'yon.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa meeting room namin ng org. ay napatigil ako nang mapadaan ako sa music room.
Time, curious time
Gave me no compasses, gave me no signs
Were there clues I didn't see?
And isn't it just so pretty to think
All along there was some
Invisible string
Tying you to me?Nakabukas ang pinto ng music room kaya rinig na rinig ko ang kumakanta mula roon.
He's singing invisible string by Taylor Swift.
His voice is so soft. Sa sobrang ganda ng boses niya, para akong hinihila no'n papasok ng music room.
Humakbang ako palapit doon to see who's singing.
Pumasok ako dahil wala naman akong nakitang tao. Inilibot ko ang mata sa kabuuan ng music room. Sa dulo ay nandoon ang mga iba't ibang instruments.
Napatingin ako sa magkaibang side ng room, pero wala namang tao. May multo pa nga yata.
Naririnig ko pa rin ang kumakanta. Nage-echo 'yon sa loob ng room. Kinilabutan pa ako. Hindi naman ako naniniwala sa mga multo, pero kung totoo man na multo 'tong kumakanta—
Napatalon ako sa gulat nang biglang may sumulpot na lalaki.. Nakaupo pala siya kanina sa likod ng mahabang sofa na nandito sa music room.
Nang makita niya ako ay nagulat din yata siya, pero kalaunan ay ngumiti rin.
"Sasali ka ba sa banda? Sorry, kompleto na kami. Pero pwede ka pa rin naman maging member ng music org!" Nakangiting sabi niya.
Umiling ako, "No. Napadaan lang ako." Sagot ko. Mahilig ako sa music, pero ang music yata ang may ayaw sa'kin.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024