Special Chapter 1:
Archer's POV
Malakas ang sigawan nang umakyat sa stage si Arrow. Siya talaga ang inaabangan ng mga students to perform.
Malaki rin ang ngiti niya nang humarap siya sa crowd.
"The next song we'll going to perform is for my beloved." He started. The crowd went wild. May mga nagsisigawan kung sino ang tinutukoy niya. May ilan ding tumitingin sa'kin. Naitago ko tuloy ang mukha ko sa hoodie na suot ko.
"This song is called 'An Art Gallery Could Never Be As Unique As You' by mrld. Archer, this is for you. You're the most beautiful masterpiece I've ever seen." Sabi pa niya.
Itinuro pa niya ang direksyon ko at kumindat pa. Nagsitinginan tuloy ang ibang students sa'kin kaya mas lalo ko tuloy tinago ang mukha ko.
Habang nakatingin ako sa kan'ya na kumakanta sa harap, hindi ko maiwasan na tanungin ang sarili ko kung deserve ko ba ang isang 'to?
He's close to perfection. Sobrang talented niya. Lagi niyang sinasabi na marunong lang naman siya kumanta at hindi magaling, na marunong lang din siyang mag paint, pero hindi magaling.
Minsan masarap talaga siyang batukan. Nagpapaka-humble pa, pero ang yabang din naman.
"Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa'yo?" Tanong niya nang bumaba na siya ng stage. Si Davy na ngayon ang kumakanta roon.
Agad ko siyang mahinang siniko, "Nakakahiya!" Bulong ko.
Agad na kumunot ang noo niya, bahagya pang ngumuso. Ayan na naman siya sa pagiging OA niya. Magtatampo na naman 'yan.
"Kinakahiya mo ako? Ang sama ng ugali mo!"
See? Minsan napapaisip ako kung boyfriend ko ba siya o anak, e.
"That's not what I meant." Sagot ko, pero humalukipkip siya at humarap siya sa stage. Aba! "Ah, gan'yan pala gusto mo? Sige, bahala ka diyan. Uuwi na ako." Sabi ko at maglalakad na sana nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.
Palihim akong napangiti. Tsk. Marupok.
"Bakit ka kasi nahihiya?!" Para paring batang tanong niya. Doon na ako tuluyang natawa. Ang cute. Ang laki niyang tao, pero gan'yan siya magpalambing sa'kin.
"Kasi pinagtitinginan na ako kanina." Sagot ko.
"Tsk. Inggit lang sila." Sabi niya. He wrapped his arm around my shoulder. "Inggit sila sa'kin kasi ako ang pinili mo." Bulong niya.
We enjoyed the rest of the night. Nang matapos ang performance ng banda ay naglibot kami sa mga booths and stalls.
Puno ng tawanan at kulitan ang naging gabi namin. Lalo pa, nandito rin 'yong nililigawan ni Davy na kaibigan ko pa talaga.
Napatingin din ako kay Andrei. Masama ang tingin ko sa kan'ya dahil sinusubukan niyang akbayan ang isa ko pang kaibigan. Panay naman ang iwas niya ng tingin sa'kin na parang takot na takot. Subukan niya talaga. Babaliin ko kamay niya.
"Hayaan mo na sila, kanina mo pa sinasamaan ng tingin 'yang dalawang bading na 'yan." Napatingin ako kay Arrow nang sabihin niya 'yon, natatawa pa siya sa itsura ngayon ng dalawa niyang kaibigan.
"Sa dinami-rami ba naman kasi ng p'wede nilang pormahan, bakit mga kaibigan ko pa?" Tanong ko.
"Ang tropa ni Arrow ay para sa mga tropa ni Archer." Sagot niya at malakas na tumawa, siniko ko tuloy siya.
"Aray, ah. Totoo nga 'yon, tignan mo 'yong dalawang 'yon." Tinuro niya gamit ang bibig niya sa mga babaeng kaibigan namin.
Napailing na lang ako. "Mga bading na rin." Mahinang sabi ko. Lalo namang tumawa 'tong lalaking nakaakbay sa'kin.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024