Chapter 23:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘Nakangiti ako habang paakyat sa floor ng unit ni Archer. Kulang na nga lang ay luparin ko na para makarating lang doon agad.
Nag-text na rin ako kanina sa kan'ya na dederetyo ako sa unit niya. Nag-reply naman siya na okay lang.
Alam ko na rin naman na ang passcode ng unit niya kaya hindi na ako nag-doorbell, pumasok na lang. Alam din naman niya ang passcode ng unit ko, iyon nga lang, mas makapal lang talaga ang mukha ko na pumasok dito sa unit niya.
Napatigil ako saglit nang marinig na may kausap siya. Baka ka-call niya si Cairo? Kapag kasi nandito ako ay lagi niyang tinatawagan 'yon.
Naglakad na lang ulit ako papasok na nakangiti pa rin, pero napatigil lang ulit ako at nawala ang ngiti nang iba ang nadatnan ko sa sala.
Nakayakap sa kan'ya si Isla.
Hindi ako nakagalaw. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Ayaw ko mag-isip ng kung ano-ano, pero tang ina. Bakit kasi magkayakap sila? Tapos nakangiti pa si Isla. Anong ibig sabihin no'n? Normal ba 'yan sa magkaibigan? Hindi naman kami gan'yan ng mga kaibigan kong mga babae.
Nawala lang yata ang tingin ko sa kanila nang mapansin ako ni Isla. Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap kay Archer, pero nakatingin pa rin siya sa'kin.
Lumingon sa gawi ko si Archer. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko pa ang gulat doon.
"A—Adrian," tumayo siya.
"May bisita ka pala, sige alis na ako." Pinilit kong huwag mautal, tang ina. Para akong nilagay sa mataas na building tapos biglang tinulak. Ayon bagsak, walang sumalo.
Tumalikod agad ako. Mabilis na naglakad palabas ng unit.
Buong gabi yata no'n ay hindi ako nakatulog, kaya kinabukasan para akong lumulutang habang nasa klase. Ni isa wala akong naintindihan dahil iyong nakita ko kagabi lang ang naiisip ko.
Nag-text din siya kagabi, pero sa sobrang inis ko ay pinatay ko ang phone at inihagis sa kung saan. Hindi na rin ako nag-abala na tignan kaninang umaga.
"Problema mo? Kanina ka pa hindi makausap ng matino." Si Davy nang tumabi siya sa'kin. Break namin kaya nandito kami sa Cafe.
Hindi ako sumagot. Tulala lang ako sa labas. Maya't-maya rin ako bumubuntong-hininga.
"Tang ina. Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya at tumayo, "Aalis na ako. May klase na ako." Patuloy niya. Hindi ulit ako nagsalita. Tumingin lang ako saglit sa kan'ya, pero agad ding tumingin ulit sa labas. Binibilang ko na 'yong mga taong naglalakad doon para lang hindi i-overthink 'yong kagabi.
Tumayo ako, walang ganang lumabas ng Cafe. May nabangga pa ako, pero hindi ko pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papasok ulit ng university para tumambay na lang sa music room.
"Kanina pa 'yan. Kausapin niyo." Narinig kong sabi ni Davy nang hapon na at nandito na ulit kaming lahat para sana sa practice.
"Nakasalubong ko rin kanina si Archer, nakasalubong daw niya kanina tapos hindi pinansin."
"Tawagan ko na kaya si Tita Marren? Mukhang natuluyan na ang anak."
"Tumahimik ka nga, Ri. Pero mukhang tama ka."
"Alam ko paano makukuha atensyon niyan."
"Paano?"
"Arrow, si Archer nasa labas!" Sigaw ni Davy kaya napatingin ako sa kan'ya na wala paring kabuhay-buhay. Paano pa kasi mabubuhay kung nalulumbay ako ngayon?
![](https://img.wattpad.com/cover/369584645-288-k973230.jpg)
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Storie d'amoreseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024