Chapter 35

2.6K 98 8
                                    

Chapter 35:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Sunod na tayo sa kanila. I also want to watch Rowan to play basketball."

Nauna siyang tumayo. Nang hindi ako sumunod ay tumingin siya sa'kin. "Adrian?" Ulit niya.

Ngumiti ako at tumayo na rin. Sabay kaming naglakad papuntang university's open court kung saan nagaganap ang basketball game.

"Don't overthink too much. Tutulungan kita." Sabi niya. Kinuha niya ang kamay ko and he intertwined our fingers. Nagulat pa ako roon, pero napangiti rin naman.

Pagkarating namin sa court ay marami ang nanonood. Sakto rin ang dating namin dahil malapit na matapos. Sakto lang din ang dating namin dahil after ng time out ay pumasok na rin si Rowan sa court.

Nahanap din agad namin sila Kenna. Malapit sila sa bench ng players kaya roon kami umupo sa tabi nila.

"Sabi sa inyo, e. Bading din 'yan si Arrow. Magaling na sanang kumanta, kaso sayang. Bading, e." Narinig ko ang bulungan ng mga students sa likod namin.

Kumunot agad ang noo ko.

"Oo nga. Balita ko lahat yata sila sa circle nila ay bakla."

"True ba? Baka dinamay ni Davy. 'Di ba first year pa lang balita nang bading siya?"

"Ay oo, gwapo sana sila, e. Sayang."

"Lantaran pa nga 'yan kay Davy. Hindi na nahiya."

Lilingunin ko sana sila para samaan ng tingin, pero pinigilan ako ni Davy na nasa tabi ko.

"Huwag mo na patulan." Sabi niya at ngumiti ng tipid. Pero alam kong nasasaktan din siya sa mga gano'ng salita.

Hinigpitan din ni Archer ang hawak sa kamay ko kaya kumalma ako. Tang ina kasing mga homophobic na 'yan, e.

"Go Rowan! I love you, pre. Kiss kita mamaya!" Sigaw ni Davy nang makitang hawak ni Rowan ang bola.

Doon na rin kami nag-focus at hindi sa walang kwentang comments no'ng mga nasa likod namin.

"Ang galing mo, pre! Kaya sa'yo ako, e!" Sigaw ulit ni Davy nang maipasok ni Rowan ang bola sa ring. Three points.

Sumali na rin kami ni Andrei na i-cheer si Rowan. Tumayo rin kami. Akala mo talaga lumalaban si Rowan sa pagiging MVP sa ginagawa namin. Inaasar pa kasi lalo ni Davy ang mga nasa likod namin dahil sa pasaring sila kanina.

Natapos ang game na talo ang department nila Rowan. Paano naman kasi mga med students mga 'yon. Halatang hindi into sports at puro na lang yata about science ang inaatupag. Sa last minutes nga lang bumawi ng score ang team nila.

"Congrats, pre. For the MVP ka na." Sabi ni Davy nang lumapit na kami kay Rowan. Agad niyang binato ng face towel si Davy na agad na nandiri ang mukha.

"Galing mo. Pwede ka na maging volleyball player." Dagdag ko pa. Tumawa na lang kami nang pinaghahampas niya kami ng face towel.

Nagpaalam muna siya na magpapalit lang at sabay-sabay na kaming kakain ng lunch. Saktong nagugutom na rin ako.

"Pwedeng hindi na muna ako sasabay sa inyo? Sasama ako sa mga kaibigan ko." Napatingin ako kay Archer nang sabihin niya 'yon.

"Okay lang. Text me if you need something." Sagot ko. Nagpaalam na rin siya sa mga kaibigan ko bago siya umalis para puntahan ang mga kaibigan niya.

Nang dumating si Rowan ay umalis na din kami. Sa isang Korean restaurant kami pumunta. Libre na naman ni Kenna kaya tuwang-tuwa kami ni Davy. Ito talaga ang isa sa gusto ko sa tropahan na 'to, laging may libre.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon