Chapter 21

1.5K 86 26
                                    

Chapter 21:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Ha? You're saying something?" Tanong niya. Napausog siya malapit sa'kin dahil may babaeng bumangga sa kan'ya.

Hinawakan ko siya sa siko para alalayan na huwag matumba. Sasamaan ko pa sana ng tingin ang mga 'yon, pero agad siyang humarang.

"May sinasabi ka?" Tanong niya ulit. Ayan na naman siya, nagsusungit. Pero kahit gano'n ang gwapo niya pa rin. Tang ina, kabadingan mo, Arrow. Baka matakot bigla si Archer sa'yo kapag nabasa ang nasa utak mo!

Napakagat ako sa ibabang labi. Umiwas ng tingin. Inilagay ang nanlalamig na kamay sa bulsa ng hoodie na suot. Tumikhim pa ako ng ilang beses dahil parang natuyuan ako ng lalamunan. Tang ina naman.

Humarap ulit ako sa kan'ya, diretyong tumingin sa mga mata niya.

"Gusto—"

"Archer, Arrow!" Napatigil ako nang biglang may sumigaw. Napamura na lang ako sa utak nang makita sa likod namin ang mga kaibigan ko.

Agad na nagsilapitan ang girls kay Archer. Gusto ko na nga silang hilain palayo dahil pinagkakaguluhan nila 'yong tao. Baka mamaya kasi ay maging uncomfortable na siya.

Tang ina. Ano bang ginagawa kasi ng mga 'to rito?! At talagang kumpleto sila, ay wait, wala si Davy? Kumunot ang noo ko. Akala ko ba nasa ibang bansa ang iba sa kanila? Pambihira naman. Sisirain pa diskarte ko.

"Surprise!" Natatawang sabi ni Andrei, inakbayan pa ako ni tanga. Tang ina.

"Anong ginagawa niyo rito?" Agad ko siyang siniko dahilan para mapalayo siya sa'kin.

"Dito kami magne-new year kasama niyo." Sagot ni Ria, tumawa pa si Andrei.

"It's their plan. Sumama lang din ako dahil sinasabihan ako ng girls na KJ." Si Rowan na naiiling, pero natatawa rin naman.

"Sinisira niyo diskarte ko." Naiiling na sabi ko.

Narinig kong may tumawa, kausap pala ni Andrei si Davy sa call. Agad kong kinuha ang phone ni Andrei.

"Bakit himala at hindi ka sumama?" Tanong ko. Ngumisi ang anak ni Satanas kaya kumunot ang noo ko.

"May mas importante kaysa sa'yo." Sagot niya na natatawa kaya tinaasan ko siya ng middle finger. Napakagago. Baka kasama 'yong nakita ko kagabi.

"Umamin ka na?" Tanong niya.

Napatingin ako kay Archer at ang girls na nag-e-enjoy na roon sa fireworks.

"Wait, what? Aamin saan?" Kunot noong tanong ni Ro. Nagkatinginan pa sila ni Andrei. At tawang-tawa naman si Davy sa kabilang linya. Napakamot ako sa ulo saka bumuntong hininga.

"I like Archer." Pag-amin ko sa kanila. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Andrei, nanlalaki pa ang mga mata na humawak sa braso ni Rowan na tumango na lang. Inaasahan na niya siguro 'yon. Kung may higit na nakakakilala sa'kin, isa na siya roon.

"Tang ina ka, akala ko ba pagpapanggap lang 'to?" Si Andrei na hindi pa kumakalma. Tinatawanan pa siya ni Davy. Mamamatay na nga yata sa katatawa niya.

Tinapik ni Rowan ang balikat ko, "Make sure na ready ka na before you confess." Sabi niya.

"Lagi naman akong handa." Sagot ko. Nilingon ko ulit sila Archer kasama ang girls. They're laughing at something. Narinig ko pa na plano nilang bumalik ulit rito bukas na sila lang kaya tumaas ang kilay ko.

Bakit nagdedesisyon sila na sila lang? Tsk.

Kinabukasan nga ay iyon ang nangyari. Lumabas ang girls kasama si Archer. Gusto pa sana naming sumamang tatlo, pero hindi sila pumayag kaya ang ending, gumala lang din kami.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon