Chapter 6:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Dito ka muna. Kukunin ko lang sa kwarto 'yong first aid kit." Sabi niya sa'kin nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng unit niya.
"Sama ako." Sagot ko at sumunod na sa kan'ya. Hindi naman na siya nagreklamo. Siguro pagod na siyang makipagtalo sa'kin kaya hinayaan na lang ako.
Na-amaze ako pagkapasok sa kwarto niya. Gray and white ang theme no'n at sobrang ganda sa mata. May piano pa sa tabi ng pinto. Katabi no'ng piano ay iyong TV stand. Malamang may TV din doon.
"You play piano?" Tanong ko, humarap ako sa kan'ya.
"Hindi. Sa Mama ko 'yan." Sagot niya, saglit din na napatingin sa'kin bago niya iiwas ang tingin para hanapin 'yong kit.
Nang ilibot ko pa ang tingin. Nasa right side ng kama iyong gaming set niya. Hindi naman halata na gamer ang may-ari nito, oo.
Nasa left side naman ng kama ang study table na maraming nakapatong na libro at kung anong mga ginagamit sa pag-aaral. Grabe naman. Hindi rin halata na matalino ang may-ari ng kwarto.
Sobrang linis ng kwarto niya. Walang sinabi ang unit ko na ang kalat. Saka lang nalilinisan kapag bumisita si Mommy.
"Sa labas na." Natigil ako sa pag-scan sa kubuoan ng kwarto niya nang magsalita siya. May hawak na siyang first aid kit.
Nauna siyang lumabas ng kwarto niya kaya agad akong sumunod.
"Anong mga nilalaro mo?" Tanong ko sa kan'ya. Gusto ko rin matuto maglaro, kaso baka i-trash talk lang ako dahil bano ako maglaro.
"Valorant, PUBG gano'n." Bored na sagot niya at umupo sa sofa. Umupo rin ako roon paharap sa kan'ya.
"ML naglalaro ka?" Tanong ko ulit.
"Oo." Tipid na sagot niya.
Nag-try din kasi ako maglaro no'n dahil naglalaro rin sila Davy. Pero sinukuan ko na 'yon, hindi kaya ng anger issue ko. Mag-jowa na lang siguro ako ng gamer.
Gamer din kasi si Isla.
Kinuha na niya iyong kit at inilabos roon 'yong cotton balls at kung ano mang pang linis sa sugat.
"Oh, gamutin mo 'yang sugat mo." Sabi niya at inabot sa'kin 'yon.
"Ikaw na." Sagot ko. Ano pang silbi na pinapunta niya ako rito kung ako lang din naman pala ang gagamot sa sarili ko? Tsk.
"Arte mo naman? Ikaw na, malaki ka na." Sabi niya at marahas na inihampas sa dibdib ko iyong hawak niya. Ang brutal naman nito.
"Hindi ko nga makita!" Pagreklamo ko. Inilahad ko ulit sa kan'ya iyong pang linis sa sugat. Tinignan niya saglit iyon hanggang sa nalipat sa'kin ang masamang tingin niya.
Marahas niya ulit iyon kinuha sa kamay ko. Parang nawawalan na siya ng pasensya sa'kin. Ang pinaghahawakan na lang siguro niya para hindi ako sapakin ay iyong idea na nasaktan na ako dahil sa tatay niya.
"Lumapit ka." Utos niya na agad ko namang sinunod. Umusog ako palapit sa kan'ya.
Kumuha siya ng isang bulak at nilagyan iyon ng antiseptic.
"Aray ko naman!" Nailayo ko ang sarili dahil medyo madiin iyong pagpahid niya sa sugat. Sinadya niya 'yon malamang. Naneto, e.
"S-sorry," mahinang sabi niya. Tumikhim pa siya, kumunot ang noo at pinagpatuloy ang paglinis sa sugat ko.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
RomanceLavender Band Series 1(a bl story): It's all about me and him... and what's behind our veiled desires. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024