Chapter 20:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘Agad kong in-open ang ig pagkakita ng notification.
Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Hindi rin mawala sa labi ko ang ngiti.
Napakagat ako sa labi nang makita ang p-in-ost niya.
@rchersoler: Make it a December to remember, with fam <3
Napangiti ako nang makita ang caption niya. Oo, Archer. Pamilya mo kami.
Sa unang slide ay ang picture namin sa eroplano. Nakangiti siya na hindi labas ang ngipin, habang ako naman ay nakalingon sa kan'ya. Ang sumunod na slide ay kaming apat. Nakangiti silang tatlo tapos ako ay nakatingin din sa kan'ya. At ang last na slide ay ang regalo ko sa kan'ya.
Nilingon ko siya nang ma-like ko ang post niya. Natutulog na yata siya dahil nakatalukbong na siya roon.
Tinignan ko rin ang mga comments at kunot na kunot ang noo ko nang makitang nangunguna roon ang mga kaibigan ko.
@davytoledo: pre, ibalik mo na phone ni Archer
@romontemayor: <33
@andreialjdr: i-'only me' niyo na, nakita ko na
@maeveee: Merry Christmas <3
@riaricsgordon: sabi nila pantay-pantay tayo, pero bakit may nakakalamang, Lord?
@itskensanne: Merry Christmas, Archer :((
@calistalucenzo: cute nila Tita, Tito at Archer. Btw, cute din no'ng alaga nilang aso. anong name niya po?
Kahit na nakakainit ng ulo ang mga comments nila ay hindi iyon nakaepekto sa kasiyahan ko. Kahit sapakin niyo ako ngayon ngingiti pa rin ako. Ako lang naman 'to. Pinost lang naman ni Archer sa ig. Merry Christmas nga talaga sa'kin.
Kinabukasan ay maaga pa lang ay pumunta na kami sa Disneyland. Kapag ganitong holiday season ay marami talaga ang tao rito kaya dapat maaga nandito ka na para pumila kung gusto mong sumakay sa mga rides.
"Smile!" Sabi ni Mom nang nasa loob na kami. Agad din naman kaming tumingin sa camera na hawak niya at ngumiti. "Kayong dalawa dali!" Sabi niya sa'min.
Nagkatinginan naman kami ni Archer, pero agad ding nag-iwas. Mula kaninang nagising kami ay nag-iiwasan na kami ng tingin. Naging awkward bigla. Dahil siguro sa sinabi ko kagabi.
Lagi naman ako bumabanat sa kan'ya ng gano'n, pero iba kasi kagabi.
Ngumiti ako sa camera ni Mom. Nang tumingin ako sa kan'ya ay awkward din siyang ngumiti. Ano ba 'yan!
Dumeretyo kami sa World of Frozen, si Mom ang sobrang excited sa'min. Tahimik lang kaming tatlo na kasama niya. She's also taking a video and photos of us.
"Mga anak, pwede niyo na kami iwan ng Dad niyo rito. Pumunta na kayo sa gusto niyong puntahan." Sabi niya.
Napatingin ulit ako kay Archer at nagtama ulit ang mga mata namin, pero agad ding nag-iwasan.
Napansin yata iyon ni Mom dahil kumunot ang noo niya, "Nag-away ba kayo?" Tanong niya.
Agad na umiling si Archer, "Hindi po."
"Then, bakit kayo tahimik kanina pa?" Kanina pa pala niya napapansin. Kaya siguro todo cheer siya sa'min to lighten the mood. Awkward kasi talaga kami.
"What's the sudden iwasan ng tingin?" Si Dad. "May problema ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024