Chapter 9:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘Day passed smoothly. Kung hindi kami nagpa-practice, nasa galaan kami, o kaya kung hindi nag-aaral para sa mga quizzes ay nasa bar. Gano'n lang ang naging takbo ng araw ko nitong mga nakaraang araw.
Hindi ko rin masyadong ginugulo si Archer dahil sinabi niyang marami siyang binabasang case. Ayaw niya pa-istorbo. Ayaw ko naman na ako pa ang dahilan ng pagbagsak niya kaya hinayaan ko na muna siya.
Malapit na rin kasi ang midterms exam kaya nagpaka-plastic na lang muna ako na nag-aaral ako ng mabuti. At isa pa, may sama ng loob pa rin ako sa kan'ya.
Noong araw kasi na excited akong puntahan siya sa library, aba ang lalaki, kasama pala si Isla.
Hindi ko na tinuloy ang pagpasok sa library nang makita sila roon. Parehas pa silang nagtatawanan sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.
Padabog akong umupo sa couch nang makarating ako sa music room. Nandito rin ang iba kong kaibigan. Ginawa na namang tambayan ang music room.
Naggigitara si Davy tapos si Rowan ay kinakanta iyong bagong kantang sinulat niya.
"Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman... Hindi naman kasi dapat maramdaman." Rowan sang. Kumunot ang noo ko. Kailan pa sila nagsusulat ng love song?
"Corny naman niyan." Sabi ko kaya natigil silang dalawa at sabay na napalingon sa'kin.
"Mas corny ka gago." Bulyaw ni Davy. "Natamaan ka lang yata, e." Patuloy niya saka ngumisi. Gago 'to.
"Ikaw tatamaan sa'kin kapag hindi mo tinikom 'yang bibig mong hayop ka." Pagbabanta ko, pero ang gago mas lumakas lang ang tawa.
Adrian:
bak8 mo ksma si Isla?
pinagpal8 mu n ba aq?! :(((
Archer:
Alam mo, maghanap ka ibang kausap.
Yung maiintindihan sana yang typings mo.
Adrian:
pahingi number ni Isla para sha kausapin q
Archer:
Ito number🖕🏻
<>
Tang ina. Ang malakas na tawa ni Davy ang umalingaw-ngaw sa buong music room. Hindi ko namalayan na nakikibasa pala siya sa phone ko.
"He's really my type, Row. Kapag ayaw mo sa kan'ya, akin na—" Agad kong binatukan si Davy dahil sa mga pinagsasabi niya. "Aray ko!" Sigaw pa niya nang hindi ako nakuntento at sinakal siya.
"Humanap ka ng iba! Tigilan mo siya!"
"Easy, pre. Aray, bitawan mo na ako! Gago parang nagbiro lang, e." Sabi niya, pero nandoon pa rin ang nakakaasar na tawa niya. Siya lang talaga 'yong alam kong nasasaktan na nga, tuwang-tuwa pa.
"Ayusin mo mga biro mo gago."
---
Adina:
I'm here at the cafe na nasa tapat ng school niyo
Dito na lang tayo magkita?
<>
Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate 'yon. Nandito ako ngayon sa library, kasama ang mga kaibigan ko. Nag-aaral sila tapos ako inaantok.
Nitong mga nakaraang araw pala nakakapalitan ko ng messages si Adina. Siya iyong babae na humingi ng number ko last time noong kasama ko ang mga block mates kong gumala sa mall.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024