Chapter 2:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Alcazar!"
Kumunot ang noo ko nang makasalubong ko si Bliss no'ng pagkalabas ko sa cafe. Tumingin pa ako sa likod ko. Ako ba tinatawag nito? Malamang, tanga. Alcazar nga raw.
"Oh?" Pinanatili kong seryoso ang tono at mukha ko. Ano bang kailangan niya?
"Are you really gay?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Para pang nandidiri siya.
Pota. Ayan na naman sila.
"Why?" What if tanungin ko rin siya kung babae ba talaga siya? Ano naman kung bakla? May magbabago ba sa justice system ng Pilipinas? Wala naman.
"Gosh. Sinabi mo lang ba 'yon to stop our engagement? Our supposed to be wedding?" Kunot din ang noo niya, she crossed her arms and raised a brow. Ang arte pa nga.
"No." Sagot ko. Suwerte naman niya kung sabihin ko ang totoo sa kan'ya. "At ano naman kung oo?" Kahit siguro maglupasay pa siya sa lupa hindi talaga ako papagyag ikasal ano. Bata pa ako.
"If that so, sana hindi mo na lang sinabi sa harap ng parents natin na you and kuya are... gosh. I can't even say the word." Maarteng sabi niya. Umirap pa siya na parang nandidiri na banggitin 'yong word na bakla.
Nagsalubong ang kilay ko, "What do you mean?"
"Because of what you did, pinalayas sa house namin si Kuya. It's your fault. If ever na totoo nga na kayo, he deserves that anyway." Mataray na sabi niya at tinalikuran ako.
Tangina? Is she for real?
That's the reason kung bakit ayaw ko sa kan'ya. Ang ugali niya. Tinarayan rin kasi niya noon si Manang Diday. Isa sa mga kasama namin sa bahay. Maganda lang siya, pero ang pangit ng ugali niya.
Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Napalayas si Archer sa kanila? Dahil sa ginawa ko? Sa Daddy niya rin ba galing 'yong pasa sa mukha niya? What the...
Imbes na pumunta sa kung saan, pumasok ulit ako sa loob ng cafe at umupo ulit sa tapat ni Archer.
"What now, Adrian?" Salubong ang kilay niya nang tignan niya ako. Napangisi pa ako nang tawagin niya ako sa first name ko. First name basis na pala kami ngayon? Naks naman.
Pero agad ding nawala ang ngisi ko nang makita ang sugat sa ibabang labi niya.
Hindi ako nagsalita. Tang inang labi 'yan, ang pula. Parang ang lambot din.
"Tsk. Creepy." Sabi niya kaya nalipat sa mata niya ang tingin ko. Tang ina. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatingin doon.
Pero naneto, e. Anong creepy? Sa gwapo kong 'to, tatawagin niyang creepy? Para tumingin lang naman sa ganda ng mukha niya natawag pang creepy.
"Sino gumawa niyan?" Tanong ko ulit. Tinutukoy ko 'yong sugat niya. Paulit-ulit na lang amp. Sana naman sagutin na niya ng matino ang tanong ko.
"Hulaan mo." Walang kwentang sagot niya. Tangina. Napapikit na lang ako at kinalma ang sarili dahil baka hindi ako makapagtimpi baka bangasan ko pa 'to. Masyadong maangas, akala mo ang laking tao.
"Sa Daddy mo ba?" Tanong ko. Nang tignan ko ulit siya ay seryoso na siyang nakatingin sa'kin. "Dahil ba sa sinabi ko kagabi?" I asked him again.
"Alam mo naman pala." Malamig na sagot niya. Iniwas na niya ulit ang tingin sa'kin at nililigpit na niya iyong gamit niya.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romantizmseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024