Chapter 27

3K 123 11
                                    

Chapter 27:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Archer!" Kalabit ko sa kan'ya.

Kanina pa ako nagpapapansin sa kan'ya, pero hindi niya talaga ako kinakausap. Kanina pa nga rin sila nagsimula mag-review tapos ako problemado dahil nga hindi ako kinakausap nitong isa.

Kanina pa patagong tumitingin sa'kin si Kenna. Kasalanan niya kasi 'to! Tsk. Kung ano-anong sinasabi!

"Kausapin mo na ako!" Pagmamakaawa ko, pero siniko niya lang ako at masamang tumingin sa'kin.

"I'm studying, Alcazar." Mariing sabi niya at umiwas na ulit ng tingin.

I released a heavy sigh, galit nga yata dahil tinawag na naman akong Alcazar. Sumandal ako sa upuan at tinakpan ng braso ang mukha at pumikit.

"Paiyak na yata." Narinig ko ang bulungan nila. Oo, paiyak na ako! Tang ina naman kasi.

"Uhm... gago tara sa labas." Narinig ko ang boses ni Andrei. Narinig ko rin na nagsitayuan sila at nag-uunahan pa yatang lumabas ng library ng bahay nila Kenna.

"You're really crying? Tsk." Narinig kong sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Nagtatampo ako dahil sa hindi niya pagpansin sa'kin tapos gan'yan pa tono ng boses niya? Kaiyak, ah.

"Ikaw pa may ganang umiyak? Grabe." Patuloy niya. "Bahala ka sa buhay mo! Mahal mo pa pala si Isla, ah." Dahil sa sinabi niya ay kunot noong tumingin ako sa kan'ya.

"I didn't say that, Archer." Mahinang sabi ko.

"Narinig ko nga. Sabi ni Kenna, baka raw mahal mo pa siya." He still insist. "At nasaan na 'yong 'baby' na tawag mo sa'kin?" Patuloy niya.

Bumuntong hininga ako, "Hindi na nga, baby." Agap ko. Parang gusto ko na maglupasay dito para lang maniwala siya. "Ikaw lang mahal ko." Patuloy ko.

"Tsk." Umirap siya at umiwas ng tingin.

Kinuha ko 'yong kamay niya na nakapatong sa mesa kaya napatingin ulit siya sa'kin. Inilagagay ko 'yon sa bandang dibdib ko.

"I only love you, Archer. Only you." I uttered while looking straight to his eyes. "Ikaw lang ang nakakapagpatibok sa puso ko ng ganito kabilis. Don't overthink, hmm?" Patuloy ko, assuring him na siya lang talaga, wala nang iba.

"Hindi ka pa rin naniniwala?" Kabadong tanong ko nang hindi pa rin siya nagsalita ang nakatingin lang sa'kin.

"O—Oo na. Naniniwala na ako. Alam ko naman 'yon. Ang cute mo lang asarin." Sagot niya at binawi na 'yong kamay niya sa'kin kaya inagaw ko ulit.

I intertwined our fingers. Our fingers fit together like pieces of a puzzle. "I like the way your hands fits in mine." Bulong ko at inilapit ang sarili sa kan'ya.

Agad naman niya akong mahinang siniko, "ang landi. Layo nga, baka bumalik na 'yong iba." Sabi niya at tinutulak ang mukha ko palayo sa kan'ya.

"Wala akong pakialam sa kanila—"

"Adrian." May banta sa boses niya kaya nakasimangot akong umayos ng upo, pero hawak ko pa rin naman ang kamay niya.

"Mag-aral ka na. Kapag talaga bumagsak ka, yare ka sa'kin." Sabi pa niya kaya mabilis kong kinuha 'yong mga notes ko.

"Ito na babasahin na. Kapag mataas grades ko ngayon may reward ako, ah?" Hirit ko pa, pero siniko lang niya ako. Natawa ako nang makita na naman ang pamumula ng mukha niya.

"Oo." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Aray!" Sabay kaming napatingin sa pinto nang biglang madapa roon si Andrei. Mga siraulo, parang alam ko na kung ano ang ginawa ng mga animal na 'to.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon