"Anong oras ka nakauwi kagabi? Teka bakit may sugat ka sa mukha Maya?"
Lumapit sa akin si Krisha kaya naman umiwas ako at ngumiti na lamang.
"Ahh nadapa kasi ako kagabi habang pauwi. Madilim kasi eh."
"Huh? Ang tanga mo naman... Kasi naman anong oras na nasa university ka pa rin. Kung di ako naalimpungatan di ko malalaman na di ka pa nakauuwi."
Sabi nito.
Puro panenermon ang inabot ko sa kanya kanina. Daig niya pa ang Mama kung magalit.
Kaya magpasya muna akong pumunta ng palikuran.
Nilock ko ang main door saka ko itiniaas ang uniform ko saka nilagyan ng gamot ang mga sugat ko na nilagyan ko ng bandage kanina.
Hindi na ito masyadong makirot at nakabili rin ako kanina ng Antibiotic para hindi ito ma impeksyon.
Nang matapos ako ay sunod ko namang nilagyan ng gamot ang sugat ko sa braso.
Pinagmamasdan ko ang kwentas na kinuha ko sa sunog na bangkay ng Lalakeng kagabi.
Isa iyong medalyon na merong nakaukit na imahe ng dyablo sa gitna. Ang mata nito ay merong kulay pulang dyamante na kumiminang sa tuwing natatamaan ng liwanag.
Napapaisip ako kung ang lalakeng yun ba ay kasamahan ng unang bampira na sumalakay sa amin noon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, wala akong kaalam- alam sa nangyayari at kung bakit nila ako gustong patayin.
Wala na rin ang kaisa-isang taong nakakaintindi sa sitwasyon ko. Kung nandito lamang si Lola ay siguradong alam niya kung ano ang nangyayari.
Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko na kaagad ko rin namang pinunan sa manggas ng uniform ko.
Napukaw ang atensyon ko nang may biglang kumatok sa pinto kaya kaagad ko itong binuksan at hinayaang pumasok ang tao na nasa labas.
Pasimple akong tumingala saka nakasalubong ang aming mga mata mula sa repleksyon ng salamin.
Kilala ko siya, siya yung Presidente ng kabilang department na ahead sa amin ng tatlong taon.
"Okay ka lang?"
"Opo."
Sagot ko saka ito tumango at tinungo ang isang cubicle at pumasok doon.
Naghugas ako ng kamay saka inayos ang sarili ko saka lumabas na.
"Hi."
Paglingon ko sa nagsalita ay nakita kong muli yung babae sa banyo kanina.
"Ako nga pala si Tarrah, ikaw?"
"Amaya po."
Sagot ko saka inako ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.
"Wag mo na akong i 'po', masyado ka namang magalang... Hmm Amaya?"
"Sorry po."
"Oh ayan nanaman."
Napakamot na lang ako saka ito tumawa.
"Bakit mag-isa ka? San yung kasama mo palagi??"
"Kilala mo ako?"
Ngumiti ito saka tumango.
![](https://img.wattpad.com/cover/195797740-288-k523128.jpg)
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyPaano kung ikaw ang nakatakdang tagapagligtas ng sankatauhan laban sa kadiliman? tatanggapin mo ba?