__
Nagising ako pag kaumaga dahil sa subrang hapdi ng leeg ko, dahan dahan akong bumangon sa kama at dumeretsyo sa salamin para tignan yung leeg ko.
may bite mark ugh! "napasabunot nalang ako ng buhok ng maalala ko lahat ng nangyari kagabi."
Dahil hindi ako nakapasok kagabi kaylangan kong pumasok mamaya dahil paniguradong mag tatanong sila Kaira at Shera kung bakit hindi ako pumasok isa pa hindi ko naman pwedeng sabihin lahat ng nangyari.
....
*Kinagabihan*
Mga 7pm na nag aasikaso na ako para pumasok 8pm to 3am ang pasok namin sinuot ko na ang uniform ko at kinuha yung bag ko para umalis.
Habang naglalakad ako mag isa papunta sa school medyo madilim dahil walang masyadong ilaw sa kalsada at tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag binilisan ko ang lakad ko ng maramdaman kong may sumusunod saakin.
takting buhay naman to oh.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ng marinig ko pati ang mga yapak ng paa ng kung sinong sumusunod saakin pero sa di kalayuan may natanaw akong lalaki nakatayo at parang ako yung inaabangan dahil nakatitig siya saakin at sa bawat papalapit ko ay mas nakilala ko kung sino ito.
Yung bwisit na vampirang kumagat sa leeg ko! t-teka kung nakaabang siya saakin sino yung sumusunod sa likod ko?
Tang*na yung vampira sa student council anong ginagawa ng dalawang to yung isa nakaabang tapos yung isa nakasunod saakin tang*na mamatay naba ako? Takbo na kaya ako? Pero saan ako dadaan? Nasaunahan ko yung isa tapos yung isa nasalikod takting buhay talaga to!.
Mukang napansin nila ang isat isa kaya biglang dumilim ang mga tingin nila. lumapit papalapit saakin yung isa na nakaabang at hinawakan agad ang kamay ko at hinila papalapit sakanya habang yung isa ay huminto naman mula sa likod ko.
Saglit pa silang nagkatinginan sa isat isa, madilim at nag uumapaw sa galit ang bawat tingin nila sa isat isa.
Problema ng mga toh. "Sambit ko sa isipan ko habang sinusubukan na kumawala sa vampirang may hawak saakin."
"Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko bago siya nagsalita."
She's already mine. "diing sambit nito sa vampirang sumusunod saakin"
Pag katapos niyang sabihin yun ay agad ako nitong hinila paalis habang yung isang vampira na nakita ko sa student council ay naiwan doon at nakatingin lang saamin habang umaalis palayo.
Papasok na kami sa gate ng school ng binatawan niya ang kamay ko.
Dahan dahan siyang lumapit saakin habang naka titig sa mga mata ko, saglit na bumaba ang muka niya sa leeg ko paakyat sa tenga ko.
Dont let him touch you kitty, your mine, your my prey and mine alone. "Seryosong sambit nito"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya papasok sa gate at dumeretsyo sa classroom namin. Pag kapasok niya ay pumasok narin ako at ayun nakita ko sila Kaira at Shera na hinihintay ako kaya pumunta narin ako sa upuan ko.
Inilagay ko sa harapan ang buhok ko para matakpan at hindi makita yung bite mark sa leeg ko.
Elisee!!! Anyari sayo? Bakit di ka pumasok nung nakaraang gabi? "Saad ni Kaira"
Oo nga may nangyari ba sayo? "Shera"
Hays hindi pa nga ako nakakaupo tinadtad na ako ng tanong
masama kasi pakiramdam ko
"Dahilan ko dito"
Ganon ba okay kana ba ngayon? "may pag aalalang sambit ni Kaira"
Oo medyo hehehe. "sambit ko dito bago umiwas ng tingin"
