..
"Elise bakit hindi ka pala pumasok nung nakaraang gabi?" biglang bungad saakin ni Kuya Alex kasama si Klayden at Justine
Napatingin ako sa gawi ni Justine na ngayon ay titig na titig saakin mukang maayos lang din sya na para bang walang nangyari sakanya.
Halos lamunin na ako nito ng buhay kung makatitig saakin
Medyo masama po kasi pakiramdam ko Kuya
"Pagdadahilan ko dito"Ganon ba? Sana hindi kana muna pumasok para nakapag pahinga kapa.
Okay lang po medyo okay narin naman ako..
"Mag uumpisa na ang klase magkita kita nalang tayo ulit mamayang break time" sambit ni kuya syaka naglakad papasok sa classroom sumunod naman sakanya si Klayden
Habang si Justine ay matagal pang tumitig saakin bago umalis at sumunod sakanila
Pagpasok ng pagpasok ko sa classroom ay agad na lumapit saakin sila Shera at Kiara
"Eliseeeee!!! Bakit hindi ka pumasok nung nakaraang gabi huh?" Tanong ni Shera
Ano paba ede kasama sila Hunter at Caspian" biglang singit naman ni Kiara
Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil doon
Tumahimik kanga baka may makarinig alam mo namang walang alam si kuya tungkol dyan diba?
Oo nga pala sorry ano ba kasing nangyari?
Basta mahabang kwento ei..
Hindi ko naman pwedeng sabihin yung tungkol kay Justine.
Agad akong na patingin sa upuan ni Hunter at wala sya doon baka hindi siya makakapasok ngayon.
Sana ayos na sya.
Nangmakarating na ang professor namin ay bumalik na kami sa mga upuan namin
__
Break time na namin ngayon hindi ako sumabay kela Kiara at Kuya dahil pupuntahan ko si Caspian.
Hinanap ko ito sa student council pero wala sya dito kaya nag ikot ikot pa ako at hinanap sya kung saan saan.
Asan kaya nagpunta yun?
Aalis na sana ako para bumalik sa classrom
ng biglang nagliwanag ang mga mata ko ng matanaw ko siya papunta sa gawi koAgad naman akong nag lakad palapit sakanya para salubongin siya
Caspian?..
Huh?
Napatulala ako ng bigla ako nitong lagpasan at hindi manlang pinansin.
Agad akong humarap sa likod para lingunin siya at tawagin ulit pero nag patuloy lang ito sa paglalakad na parang hindi ako nakita o narinig.
A-anong problema niya? May usapan kami na hindi mag papansinan sa school oo pero kaming dalawa lang ang nandito dahil nasa canteen na ang lahat.
Gusto ko sana siyang makausap tungkol kay Hunter pero hindi naman niya ako pinansin kaya pumunta nalang din ako sa canteen kung nasaan sila Kuya
Galit ba siya? Ano nanaman kayang nagawa ko.
Elisee!!!
Agad naman akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko si Kiara pala kasama sila kuya
Agad naman akong pumunta sa pwesto nila at naupo sa tabi ni Shera.
"Saan ka galing?" biglang tanong ni Shera
Wala may pinuntahan lang.
Kahit hindi ako nakatingin ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Justine hindi ba siya titigil? Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil na iilang ako
BINABASA MO ANG
"VAMPIRE MARK"
Vampirosi want you more than to be my prey, i want you to be my girl..