..."Third person pov"
Klayden anong gusto mo? Nagugutom ka na ba?... "tanong ni Shera dito pero hindi parin ito umiimik"
Nagawa man ni Klayden ang bagay nayun sakanya ay hindi parin nawala ang pagmamahal niya dito para sakanya siya parin ang lalaking minahal niya.
"Napansin niyang may mga luhang tumutulo sa mata ni Klayden kaya pinunasan niya ito, nag-aalalang tumingin siya dito at tinanong ito pero hindi ito sumasagot"
Huwag ka nang umiyak andito lang ako hinding hindi kita iiwan. "mahinang sambit niya dito bago isandal ang ulo ni Klayden sa dibdib niya at patahanin ito pero mas lalo lang itong humagulgol"
S-sorry.. "nanginging na sambit ni Klayden habang humihikbi sa dibdib nito.
Hindi maintindihan ni Shera ang kirot sa puso niya nang marinig ang nakakaawang boses ni Klayden habang humihikbi ito.
Subrang sakit makita na umiiyak ang lalaking pinakamamahal niya halos pilit niyang pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawa sa mata niya.
Gusto na niyang umiyak pero mas gusto niyang manatiling matatag para kay Klayden alam niyang subra subrang sakit ang nararamdaman nito.
P-patawad.. Shera.. Wala akong kwentang boyfriend.. P-patawad.. "Humihikbi nitong sambit habang nanginginig ang boses niya at mas lalong ipinagsiksikan ang muka niya sa dibdib ni Shera habang umiiyak"
Hindi yan totoo.. Tahan na Klayden pinapatawad na kita. "Bulong nito habang hinahaplos ang buhok ni Klayden para patahanin ito"
H-hindi.. mo. ako iiwan? Diba? Shera.. "Putol putol nitong sambit habang patuloy na humihikbi sa dibdib ni Shera"
Hinding hindi kita iiwan mananatili ako sa tabi mo pangako kaya tahan na. "Patuloy nitong hinahaplos ang buhok ni Klayden habang nakasubsob ito sa dibdib niya para patahanin ito"
Alam niyang subrang nagsisisi na ito kaya hindi na niya gustong sisihin pa ito sa lahat nang bagay na nagawa nito gustohin niya mang magalit dahil sa ginawa nito sakanya ay hindi niya magawa dahil alam niyang subra subra na itong nasasaktan para dagdagan pa yun, gusto niyang iparamdam dito na andito lang siya palagi para sakanya kahit anong mangyari.
At wala rin siyang nararamdamang galit para kay Elise dahil alam niyang wala namang kasalanan si Elise dito alam niyang hindi din ginusto ni Elise ang nangyayari.
Ramdam niyang unti unti nang tumigil at tumahimik si Klayden kaya sinilip niya ito hanggang sa mapagtantong nakatulog na pala ito sa dibdib niya dahil na kakaiyak kaya naman hinayaan niya lang itong makapag pahinga muli.
....
"Elisemine pov"
Kitang kita ko mula dito sila Klayden at Shera nakayakap ito kay Shera habang nakasubsob ang muka niya sa dibdib nito, mukang ayos na silang dalawa sana lang at maging maayos na din si Klayden.
stop staring at him. "Rinig kong inis na sambit ni Hunter na nasa tabi ko lang"
Hindi naman siya ang tinitignan ko si Shera syaka mukang okay na nga sila mabuti naman kung ganon.
are you jealous? "seryosong tanong nito na ikinainis ko"
Napataas naman ang isa kung kilay dahil sa sinabi niya at tumingin ng seryoso sakanya.
At bakit naman ako magseselos? I ask
So nagseselos kanga? "Diing bagang tanong nito"
Malamang hindi baliw kaba? "Inis na sambit ko dito"
BINABASA MO ANG
"VAMPIRE MARK"
Vampirosi want you more than to be my prey, i want you to be my girl..