CHAPTER 11

67 55 1
                                    

Habang natutulog ako ramdam ko na may tumabi saakin siguro sila Caspian at Hunter nato

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko para makita kung sino yun

Medyo madilim pero may nakikita parin naman kahit papano

At tama nga ako sila Hunter at Caspian nga ito nakaupo sa kama ko kaya dahan dahan din akong bumangon sa pag kakahiga at umupo kahit antok na antok pa ako

B-bakit kayo andito?

Hindi sila nag salita at nakatingin lang saakin mukang inaantay nila ang paliwanag ko dahil sa nangyari kanina

Galit ba kayo saakin? I ask

Galit? Hindi ba halata huh? Matapos mong yumakap ng ibang lalaki at ano sasabihin mong mga kaklase mo lang kami? Diin na sambit ni Hunter habang nakatingin ng deretsyo saakin

Sino ba ang lalaking yun Elise? Medyo galit na tanong ni Caspian

Ganon ba siya kahalaga para itanggi mo kami? Naiinis na dagdag niya

Sorry

Sorry? Sorry lang Elise? Tanong ni Hunter saakin habang madilim parin ang mga tingin nito

muka nga talagang galit sila saakin

Sorry Hunter sorry Caspian

"Damn! Kaya ka ba nag tatanong saakin kanina kung hanggang kaylan ka lang mananatili dito dahil gusto mo ng umalis at sumama sa lalaking yun huh!" Pasigaw at galit na saad ni Hunter

"Kung gusto mong umalis cge na umalis kana hindi kana namin pipiliting manatili saamin"
Seryosong saad ni Caspian

H-hindi naman ganon yun ei" mahina kong sambit pero sapat na para marinig nila

"Hindi? Huh?  Eh ano?" Tanong ni Hunter pero hindi parin maalis sa boses niya ang galit

Napayuko nalang ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sakanila dahil hindi naman sila nakikinig

"Ano ba kami para sayo Elise?sino ba kami para sayo?"  Seryosong tanong ni Caspian

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik

Hindi mo masagot dahil ang totoo wala lang kami para sayo hindi ba?

Hindi yan totoo

Eh ano huh? Ano ang totoo Elise! Singit ni Hunter

Galit nga talaga sila saakin masama ang loob nila alam ko yun dahil kitang kita sa mga muka at pananalita nila na galit sila

"Mahalaga kayo saakin" mahina kong sambit pero sapat na para marinig nila.

"Sinungaling ka Elise" seryosong sambit ni Hunter

Nakaramdam ako na parang may tumusok sa puso ko matapos kong marinig yun hindi ko maintindihan pero parang gustong kumawala ng mga luha ko

Hindi ako nagsisinungaling totoo ang sinasabi ko mahalaga kayo saakin!

"Bumalik kana sa pag tulog mo Elise aalis na kami" saad ni Caspian bago tumayo ganon din si Hunter

Palabas na sila ng pinto ng saktong tumulo  ang namumuong luha sa mata ko tumingin naman si Hunter saakin at nakita niyang tumulo ang luha ko patungo sa pisnge

Pero tinalikuran lang nila ako at umalis
Naiwan naman akong tulala sa kwarto habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa pisnge ko pero patuloy parin ito sa pag tulo

siguro aalis nalang ako bukas babalik na ako sa apartment ko total mukang ayaw na nilang andito ako

Puro hikbi ko ang naririnig sa buong kwarto dahan dahan akong humiga ulit at Sinusubukang bumalik sa pag tulog habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko

"VAMPIRE MARK"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon