CHAPTER 41

36 24 0
                                    

Kakauwi lang namin galing sa hospital si Justine at Hunter naman halos hindi na mabitawan yung dalawa buhat buhat na nila yung kambal simula kanina sa hospital hanggang ngayon.

Tinanong kona rin sila kung gusto ba nilang ipa DNA yung kambal pero tinanggihan nila dahil gusto nila na silang tatlo ang maging ama nung dalawa pero kela Caspian at Hunter ko pinaapelyedo yung dalawa hindi naman tumanggi si Justine doon dahil may mga susunod pa naman daw.

Kasalukuyan akong naka upo ngayon sa kama habang pinapanood si Justine at Hunter na pinapadede yung dalawa hanggang sa makatulog.

Lumapit si Hunter saakin at pinabuhat saakin si baby kian na ngayon ay mahimbing nang natutulog.

Wifey.. Ipagluluto muna kita ng makakain mo "sambit ni Hunter bago tuluyang ibigay saakin si baby Kian"

Okay hubby..

Pinagmasadan ko ang maamong muka ng baby namin habang natutulog siya ang pogi talaga niya manang mana sa mga daddy niya.

Napansin ko na rin ang pagkakaiba ni baby Kian at Ken, si Ken ay may maliit na nunal sa pisnge habang si Kian naman ay wala kaya mabilis nalang namin silang makikilala.

Umupo naman sa tabi ko si Caspian habang pinagmamasdan din si baby Kian na ngayon ay mahimbing na natutulog nang biglang lumapit si Justine saamin.

Caspian pwede bang buhatin mo muna si Ken maghihiwa lang ako ng mga prutas para isabay ni Elise sa pagkain niya "saad ni Justine kay Caspian bago maingat na binigay si baby Ken"

Kahit na may baby na kami ay hindi parin nilang nakakalimutan na alagaan ako subrang maalaga nila saakin at sa baby namin napaka swerte ko talaga sakanila.

Baby.. sino sa tingin mo ang kamukha nila saaming tatlo? "Biglaang tanong ni Caspian"

Hmm para saakin kamukha nila si Hunter pero kahawig mo naman ang ilong nila habang yung mga mata nila ay kay Justine pero hindi maaalis na mas kamukha nila si Hunter..

Oo nga napansin ko din..

Tignan mo oh ang popogi nila manang mana sainyo hehe "nakangiting sambit ko dito habang nilalaro yung ilong ni Kian at Ken"

Baby? "Tawag nito saakin na ikinatingin ko sakanya"

Hmm?

Are you happy with us? "Seryosong tanong nito"

Oo naman kahit na minsan ang gulo gulo niyo tapos parang aso't pusa pa itong si Hunter at Justine ay masaya naman ako kasi lagi kayong andyan para sakin.

Sa totoo lang baby sa tuwing si Hunter at Justine ang binibigyan mo ng attention subrang nagseselos ako..

gusto ko ako lang.. gusto ko akin ka lang.. gusto ko saakin lang yung attention mo pero mas pinili ko nalang na manahimik keysa dumagdag kay Hunter at Justine at baka lalong lumaki yung gulo at mas lalo kang mahirapan na intindihin kami..

Ako na nga lang yung taga awat nila tapos dadagdag pa ako diba kaya ayun nagpapakumbaba nalang ako sakanila kahit na gustong gusto ko yung attention mo kahit na gustong gusto kong masulo ka.. "Pag amin nito"

sorry Caspian kung minsan hindi kita mabigyan ng kahit kaunting attention "nakayukong sambit ko dito"

Okay lang baby alam ko namang laging nakasunod sayo yung dalawa isa pa nahihirapan kana ring hatiin yung attention mo sa kanila tapos dadagdag pa ako diba? Lalo't na ngayong may dalawa na tayong baby..

Baby huwag mo sanang isipin na hindi ako nag aalala sayo na wala akong pakialam dahil hindi ko pinapakita na nagseselos ako na hindi ako nakikipag talo kay Hunter at Justine para lang makuha yung attention mo kung alam mo lang gustong gusto kong gawin yun.

"VAMPIRE MARK"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon