Continue.....
Napahinto kaming tatlo ng humarang sa daanan namin si Hunter at Caspian habang saakin ang tingin.
A-anong kaylangan niyo? "nauutal na tanong ni Kaira sa dalawa"
Tsk, umalis kayong dalawa si Elise lang ang kaylangan ko "inis na sambit ni Hunter kela Shera at Kaira"
Huh? "Naguguluhang tanong ni Shera" bakit anong kaylangan niyo sa kaybigan namin?
Hindi na nakasalita ang dalawa ng hilain ni Caspian ang kamay ko paalis, hindi na din ako nakatanggi dahil biglaan niya akong hinatak.
"Galit na sumunod samin si Hunter at tila hindi sangayon sa paghila saakin ni Caspian."
Isinakay ako ni Caspian sa bagong sasakyan may driver na ito kaya sa likod kami sumakay nagulat naman ako ng biglang pumasok din si Hunter at tumabi saakin katabi ko silang dalawa sa magkabilaang gilid ko.
"Hindi ko maiwasang hindi mapalunok sa subrang akward na nangyayari"
P-parang kanina lang galit na galit sila sa isat isa ah ayos na kaya sila? "Hindi ko maiwasang itanong sa isipan ko kung talagang ayos naba sila."
"saglit ako napalingon kay Hunter para tignan ito nakakatakot si Hunter mukang galit na galit parin nga siya."
Jusq Elise akala ko ba ligtas tayo ngayun, anong nangyari. "Mahinang bulong ko sa sarili."
Tahimik lang kaming tatlo sa biyahe walang gustong magsalita kahit isa hanggang sa makauwi na kami
Nasa kwarto ako at halos hindi mapakali dahil alam kung may gulo nanaman na mangyayari mamaya ng biglang pumasok si Hunter at Caspian sa kwarto na lalong ikinakaba ko sa subrang kaba parang sasabog na ang puso ko.
Elise mag-uusap tayo. "seryosong sambit ni Hunter bago ito umupo sa higaan ko."
Yari ito nanga ba yung sinasabi ko wala ka ng takas Elise huhuhu. "buling ko sa sarili ko habang dahan dahan na lumalapit kay Hunter"
Huwag mo siyang takutin ng ganyan."Sambit ni Caspian sa likod ko bago ako nito yakapin na ikinagulat ng buong katawan ko."
Napatingin ako kay Hunter na ngayun ay masama na nakatingin saamin. "Jusq Elise yari na talaga."
Are u okay baby? "Malambing na sambit ni Caspian sa akin na tila iniinis pa lalo si Hunter."
"Kumawala naman ako mula sa pagkakayakap saakin ni Caspian bago muling nag salita." A-ano bang pag uusapan natin "nauutal kong tanong sa dalawa"
Dahan dahan namang tumayo si Hunter palapit saakin habang seryoso itong nakatingin.
Kitty, i mean Elise, simula ngayon hindi na kita pag mamay-ari, hindi ko na hahangarin na mapasakin ka, "sambit nito bago tumawa na parang ewan"
Isa pa marami namang iba dyan. "huling sambit ni Hunter habang saakin ang tingin na halos ikatigil ng pag tibok ng puso ko, hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi niya."
"nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko."
Parang nung nakaraan lang si Hunter ang lalaking katabi ko nung nakaraang gabi na parang maamong bata kung kumilos at makipag usap saakin pero ngayun anong nangyari.
"Alam kong hindi ko dapat maramdaman to pero napalapit nadin ang loob ko kay Hunter."
H-Hunter? B-bakit? "Wala sa sariling tanong ko dito na seryoso niyang ikinatingin saakin."
What do you mean bakit? "malamig na sambit ni Hunter saakin."
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko na rin alam ang sunod kung sasabihin.
