CHAPTER 33

99 50 3
                                    


...

Halos hindi ako makagalaw nang matanaw ko sila Caspian kasama si Kuya na ngayon ay kitang kita sa mga muka nila ang galit kay Klayden.

K-kuya... "Mahinang tawag ko dito"

hayop kang lalaki ka, papatayin kita!! "Sigaw ni Hunter dito at agad na sinugod si Klayden dahilan para mahulog ito sa kama habang si Hunter ay nasa ibabaw nito at pinaulanan ito ng sunod sunod na suntok."

Halos dumugo na ang buong muka ni Klayden dahil sa sunod sunod na suntok nito, kitang kita din sa mga mata ni Hunter na galit na galit ito at parang gustong patayin si Klayden sa mga oras nato.

Agad na lumapit si Kuya at Justine dito para awatin ito pero agad nitong itinulak ang dalawa at ipinagpatuloy ang pagsuntok kay Klayden na parang nawawala na ito sa sarili dahil sa subrang galit.

Parang nawalan ako ng dila sa mga oras nato dahil halos hindi ako makasalita ng makita ko ang duguang muka ni Klayden pati ang labi nito ay duguan narin.

Agad na hinawakan nila kuya at Justine si Hunter para pigilan ito pero nagpupumilit itong kumawala sakanila.

Bitawan niyo ako!!! Papatayin ko ang lalaking yan bitawan niyo ako!!! "Sigaw nito na nirig na rinig sa buong kwarto"

"Napatingin ako kay Klayden na ngayon ay nakahilata sa sahig at halos hindi na gumagalaw at medyo nahihirapan naring huminga, duguan narin ang buong muka nito dahil sa sunod sunod na malalakas na suntok ni Hunter dito"

Lumapit si Caspian saakin at nag aalalang nagtanong kung ayos lang ba ako pero hindi ako nagsalita dahil hindi maalis ang tingin ko kay Klayden na ngayon ay hinang hina na dahil sa ginawa ni Hunter.

Bitawan niyo ako!!!.. "Paulit ulit na sigaw ni Hunter na balak paring sugudin si Klayden kahit duguan na ang muka nito at nanghihina na"

Sabing bitawan niyo ako!!!

Tumigil kana wala sa usapan na papatayin siya! "Sigaw ni Justine dito"

Wala akong pakialam papatayin ko ang hayop nayan bitawan niyo ako!!! "Sigaw ni Hunter habang nagpupumilit itong kumawala."

H-Hunter.. T-tama na please "nauutal utal kung sambit dito na ikinalingon niya saakin"

Bitawan niyo ako! "Diing bagang sambit nito kela kuya at Justine"

Dahan dahan nila siyang binitawan pero nakabantay parin sila kung sakaling sugudin niyang muli si Klayden.

Nang makawala siya sa pagkakahawak nung dalawa ay lumapit ito saakin at agad akong niyakap at ikinulong sa mga bisig niya.

Wifey.. im sorry kung hindi sana kita iniwan nun hindi to mangyayari im sorry.. Sinaktan kaba niya huh??

"Agad nitong hinawakan ang muka ko pababa sa labi ko nangbiglang magdilim muli ang muka nito"

Ano to? "Seryosong tanong nito na nakahawak sa labi ko"

"Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng makita kung galit na galit siya habang nakatingin sa labi ko na may sugat dahil sa pag kagat ni Klayden kagabi"

N-nakagat ko. "Nauutal utal kong sambit dito"

Mas lalong dumilim ang muka niya na parang alam niyang nagsisinungaling lang ako.

Hindi ko maiwasang hindi mapalunok dahil kitang kita ko ang galit mula sa muka niya.

Kaylangan nating dalhin sa hospital si Klayden "sambit ni kuya bago ito inalalayang tumayo"

Nang mapatingin sila Caspian, Hunter at Justine kay Klayden ay agad na nag kulay pula ang mga mata nila na parang dugo.

Agad namang naalerto si kuya doon kaya inilayo niya si Klayden sakanila.

"VAMPIRE MARK"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon