Bigla nalang nagkagulo ang lahat at nagsitakbuhan papasok sa isang classroom na walang ka tao tao..
Pumunta din kami doon upang tignan kung ano yung pinagkakaguluhan nila may pinatay nanaman sa classroom may dalawang babaeng nakahandusay at naliligo sa sarili nilang mga dugo at dahil doon ay malalaman mo kaagad kung sino-sino ang mga vampira dito dahil namumula ang kanilang mga mata at mukang uhaw na uhaw sa dugo dahil nadin siguro sa amoy ng dugo na kumakalat ngayun sa sasahig.
Natatakot ako "sambit ni Shera na ngayun ay nakatago sa likod ko"
Grabe na talaga sila ang sasama nila! "galit na saad ni Kaira"
Grabe na talaga to ni halos walang pakialam ang lahat sa dalawang babae dahil nakasanayan na nilang may pinapatay araw araw at ano bang magagawa namin hindi naman namin kaya ang mga vampira at halos vampira na ang namumuno sa mundo namin ngayun.
May pumasok na mga lalaki at tinakpan ang walang buhay na katawan ng dalawang babae
At ibinuhat na paalis
Bumalik na sa ayos ang lahat na parang walang nangyari
Shera ayos kalang? "tanong ni kaira dito"
O-oo, sorry hindi parin kasi ako sanay kahit na araw araw ko itong nakikita natatakot parin ako pano kung ganyang klaseng vampira ang mag mayari saakin? Natatakot ako ayoko pang mamatay "naiiyak na sambit ni Shera"
Ma swerte ba ako? Dahil hindi pa ako pinapatay ni Hunter? Pano kung.. aghh Elisee ano ba tong iniisip mo "napasabunot ako ng buhok dahil sa mga pinagiisip ko"
Napalingon ako saglit at halos hindi ako makagalaw ng makita ko si Hunter at Caspian sa likod na nakatingin sa mga dugong kumalat sa sahig habang ang kanilang mga mata ay nagliliyab sa subrang pula tulad ng sa iba.
Elise ayos kalang? "tanong ni kiara"
Huh oo mabuti pa bumalik na tayo sa classroom
Mabuti pa nga. "pag sangayon ni Shera"
Bumalik na kami sa classroom at pumunta sa mga upuan namin tahimik lang kami hanggang sa pumasok nadin ang ang iba at nag umpisa ng magturo ulit ang professor namin.
Ilang minuto nalang ay mag uumiwan na kaya nagayos na kami ng mga gamit para umuwi.
Nga pala hindi ako makakasabay ngayon may pupuntahan kasi ako. "sambit ni kaira na ikinalingon ko sakanila"
Ako din. "sambit din ni Shera"
Ganun ba? okay lang basta mag iingat kayong dalawa ah. "sambit ko naman sa kanila bago kunin yung bag ko"
Saglit akong napatingin sa likod kung saan naka pwesto si Hunter, wala na siya buti naman.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon kaya naglakad narin ako palabas ng classroom namin.
Palapit na ako sa gate ng school namin ng makita kung nakatayo si Hunter doon habang nakasandal na parang bang may inaantay siya.
Saglit akong napaatras at napalunok dahil sakin siya nakatingin.
S-siguro mamaya nalang ako uuwi.
"Sambit ko sa isipan ko bago tumalikod upang bumalik sa loob."
Dito ang daan palabas. "malamig na sambit nito na ikinatigil ko."
A-alam ko m-may nakalimutan lang ako sa classroom babalikan ko lang. "Sambit ko dito ng hindi man lang lumilingon sakanya."
Hmm, Talaga?
O-oo nga yung a-ano yung c-cellphone ko.. "Pag dadahilan ko dito"
"Narinig ko ang pag tawa nito dahilan para mapalingon ako sakanya."
