Elisemine pov
Nasa kwarto ako ngayon at inaasikaso yung gamit ko 7:10 na ng gabi kaya nagmamadali na ako dahil baka ma late ako 8pm pa naman ang pasok.
Buti nalang at nakuha ko yung uniform ko at yung iba kung gamit sa bahay ayoko mang bumalik dito sa bahay nila Hunter ay wala akong magagawa dahil sinamahan ako ni Hunter sa tinitirhan ko at panigurado hindi siya aalis doon ng hindi ako kasama.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto akala ko si Hunter pero si Caspian anong ginagawa niya dito?
B-bakit?
"Dahan dahan itong lumapit papalapit saakin napaupo naman ako sa kama dahil sa pag atras ko"
A-anong k-kaylangan mo? Huwag kang lalapit! "Nauutal utal kong sambit dito pero hindi ito nakinig at patuloy lang na lumapit saakin."
Saakin ka dapat Elise!, saakin ka!! "gigil na sigaw nito"
A-ano bang pinagsasabi mo, wag ka sabing lalapit ei!! "Sigaw ko dito"
Ako ang nauna sayo!! inunahan niya lang ako! lahat nalang inaagaw niya!! "Galit na galit niyang sigaw bago ako tinulak sa kama at pumatong saakin sinusubukan kung kumawala sakanya pero hawak hawak niya ng mahigpit ang mga kamay ko"
B-bitawan mo ako! a-ano bang sinasabi mo hindi ako sayo!! hindi ako pag mamay ari ng sino man!! "Inis kung sigaw dito"
Saakin ka Elise! Saakin ka!! "paulit ulit niyang sambit saakin na para bang nababaliw na siya."
B-bitawan mo ako! "naaiiyak kong sambit dito"
h-hunter- hmmm! "Pilit kong isinigaw ang pangalan ni Hunter para humingi ng tulong pero agad niyang tinakpan ang bibig ko."
Elise, mahal kita! matagal na kitang sinusundan at binabantayan bago kapa niya makilala. nauna na ako sayo! Elise gustong gusto kita Elise!! "Nababaliw na sambit nito na lalo lang nagpagulo sa isipan ko."
A-ano bang pinagsasabi mo? bitawan mo ako! at wala akong pakialam sayo ayoko sa isang halimaw at kahit kaylan hindi ako magmamahal ng halimaw na tulad mo!!! "Pasigaw kong sambit sakanya habang pilit na kumawala sa mga hawak niya"
Agad na nag kulay dugo ang mga mata nito punong puno ng galit at pagkamuhi pero sa isang banda kitang kita din ang sakit at ang lungkot sa kanyang mga mata na hindi niya magawang itanggi.
H-hindi, h-hindi!! Nababaliw na sigaw nito habang sinasabunutan ang sarili.
"Saglit itong ngumisi saakin bago bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya."
H-hindi ako halimaw! tulad niyo may pangangaylangan din ako!! nasasaktan din ako!! g-gusto ko lang naman na tanggapin mo din ako, p-pakiusap Elise. "Nagmamakaawang sambit nito."
"Napansin ko ang mga luhang unti unting namumuo sa mga mata niya at dahan dahan itong tumulo papunta sa pisnge niya, hindi ko iyon pinansin at umiwas lang ng tingin sakanya."
T-tama na, b-bitawan mo na ako! "Pautal utal kung pagmamakaawa dito pero hindi ito nakinig at mas lalo lang hinigpitan ang pagkakahawak saakin."
Oo!, oo Elisee!!, pumapatay kami!! "Galit na sigaw nito." totoo yun pero anong magagawa ko Elise? Hindi ko naman ginusto na maging ganto ako! Gusto ko lang mabuhay tulad niyo! pumapatay ako dahil may pangangaylangan ako! ano bang hindi mo maintindihan doon? "Galit na sigaw nito"
"Hinawakan nito ang muka ko at pilit na hinaharap sakanya."
Sabihin mo, anong meron kay Hunter na wala ako? ANO!! "gigil na sigaw nito habang hawak hawak ng mahigpit ang pisnge ko."
