Tulad ng gusto ni Hunter ay umalis kami pero hindi ko talaga kayang basta nalang silang iwan doon
Kaya tumakbo ako pabalik narinig ko pang tinawag ako ni kuya pero hindi ko ito pinansin.
Halos wala na yung tatlong bampirang kalaban nila kanina.
Ang nakikita ko ngayon ay si Caspian na patuloy na sinusugod sila Hunter at Justine
A-anong nangyayari?
Napatingin naman si Justine saakin at seninyasan akong umalis
Pero hindi ako umalis at nanatili akong nanonood sakanila
Hawak hawak ni Hunter si Caspian habang si Justine naman ay pinagsusuntok ito.
Ngayon kalang ba napunta sa tunay mong anyo at hindi mo makontrol ang sarili mo!! "inis na sambit ni Justine habang patuloy itong sinusuntok"
Nang makawala si Caspian ay agad na tumalsik sila Hunter at Justine.
Agad namang tumingin sa gawi ko si Caspian kitang kita ko ang mala halimaw nitong muka at ang pula niyang mata na nag uumapaw sa galit.
Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng mapagtanto kung papalapit siya, ang mga mata nito ay titig na titig at hindi maalis ang tingin saakin.
C-Caspian?
bago pa siya makalapit saakin ay nakatayo na si Justine at agad itong nilapitan para pigilan
Nagsusubok pa itong kumawala pero agad ding lumapit si Hunter sakanya at pinigilan din ito
Elise umalis kana! "Sigaw ni Justine saakin habang hawak hawak ng mahigpit si Caspian para hindi ito makakilos"
P-pero-- "hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si Hunter"
Kami ng bahala dito Elise sumunod kana..
"Sambit ni Hunter na ikinatango ko nalang"Kitang kita ko na ibinubuhus lahat ni Justine at Hunter ang mga lakas nila para hawakan ng mahigpit si Caspian at hindi ito makawala.
Pero dahil nagwawala na ito ay hindi nila kayang manatiling hawakan siya.
Aalis na sana ako tulad ng gusto nila pero agad na nakawala sa pag kakahawak nila si Caspian at pinaghahagis sila
Napalunok nalang ako ng makita kong bumagsak sila Justine at Hunter hirap nadin silang tumayo dahil doon.
Muling tumingin sa gawi ko si Caspian at naglakad palapit saakin
Hindi ko alam kung dapat ba akong tumakbo pero hindi ko magalaw ang mga paa ko tanging pag lunok lang ang nagagawa ko.
C-Caspian.. "Nauutal kong sambit dito"
Pilit na tumatayo sila Justine at Hunter para pigilan siya pero hindi nila magawa dahil sa lakas ng pagkakatumba nila.
Nang makalapit si Caspian saakin ay huminto ito saglit na ikinalunok ko
Pilit kong iniiwasan ang mga titig niya pero hindi ko magawa
Damn!! "Rinig kung sigaw ni Hunter habang pinipilit na tumayo"
C-Caspian?
Hindi ito nag salita pero ang mga tingin niya ay hindi maalis sa akin.
Nang makatayo na si Hunter ay agad itong tumakbo palapit saamin
pero bago pa siya makalapit ay nahatak na ni Caspian ang bewang ko dahilan para mag lapit ang mga katawan namin
Agad nitong sinubsob ang muka niya sa leeg ko habang hawak hawak ng mahigpit ang bewang ko
BINABASA MO ANG
"VAMPIRE MARK"
Vampirei want you more than to be my prey, i want you to be my girl..