Part 6

98 5 1
                                    

Liza's POV

Tiningnan niya lang ako at marahan na binitawan iyong kamay ko. Dala dala niya pa rin iyong paper bag na may lamang mga niluto ko ng nauna na itong pumasok sa loob ng bahay. I smirked.

"Pa!" Sabi ko kay Papa ng nakatitig ito sa akin.

Tapos may mapanudyong ngiti ito sa mga labi. Lalong nanlaki iyong mga mata ko kase wala manlang siyang sinabi sa akin.

"Pa, say something." Sabi ko pa.

Nagpapadyak pa ako ng mga paa. Pinanlakihan ako nito ng mga mata.

"Stop that Bless Elizabeth! Baka bumalik si Hermes makita ka pa na ganyan. That is not the proper manners of a young lady." Saway pa nito sa akin. Napasimangot ako.

"Bakit Pa, parang hindi ka po galit at may lalakeng nakalapit sa akin?" Tanong ko dito.

May mapanuksong ngiti na naman sa akin si Papa.

"Hermes is different. Bata palang kilala ko na iyong batang iyon. Saka hindi ba anak at crush mo si Hermes?" Sabi pa nito.

Nanlaki na naman iyong mga mata ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Pa baka po marinig ka! Secret lang dapat po iyon." Bulong ko pa dito. Tinawanan niya lang ako.

"Uy, dalaga na si Bless Elizabeth. Nagbublush na iyong dalaga ko! I will tell your Mom about this. And of course to your Tito Samuel." Tukso pa nito.

"Pa! Bakit ako? Nasa panganib pa po si Simon!" Sabi ko pa dito. Pumalatak lang si Papa at humalukipkip.

"That is the reason why I called Hermes. Nakita na ng mga tauhan ng Tito Samuel mo si Simon pati na iyong mga dumukot dito." Sabi ni Papa.

"Ha? Is he okay, Pa?" Tanong ko.

"Uhuh. I guess so? Mukang iyong mga kumidnap pa nga dito ang dapat tanungin kung ayos sila. Iyong pinsan mo pa ang nagdala sa kanila sa presinto. Wala manlang daw kagalos galos si Simon. Ewan ko ba dyan sa pinsan mo. Manang mana kay Lola Margs nyo." Sabi pa ni Papa.

"Pa, demonyito po si Simon kaya ganun." Sabi ko pa. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Papa.

"Liza, he's still older than you. Dapat Kuya Simon ang tawag mo." Saway pa nito. Umingos ako.

"Edi dapat Kuya Hermes din? Iww! Papa its so yuck. No way!" Sabi ko pa. Tumawa na naman si Papa.

"Ah, Tito hinahanap po kayo sa loob." Sabi bigla ni Hermes.

Dala niya pa rin iyong paper bag kaya bahagya akong napahagikgik. Takang taka naman akong tiningnan ni Papa kaya umayos lang ako ng tayo.

"Oh, sorry! Ito kaseng anak ko kung ano ano ang sinasabi." Sabi pa sa akin ni Papa at bahagya pang tumawa.

"Hermes, may gagawin ka ba bukas?" Tanong ni Papa kay Hermes. Kahit ako ay napatingin dito.

"Wala naman po Tito. Baka sumama lang po kami sa hacienda nila Lola Margs." Magalang na sagot naman nito.

"Good! Very good!" Sabi pa ni Papa at tumango tango pa.

"May girlfriend ka na ba?" Tanong pa ulit ni Papa.

"Wala din po." Sagot na naman nito.

"Nice." Sabi pa ni Papa.

"Pa!" Saway ko na dito pero hindi niya ako pinansin.

"Isama mo si Liza bukas sa hacienda Margarita para may taga luto ka ng masasarap na pagkain. Itong dalaga ko kase napakasarap magluto. Hindi ako mapapahiya sayo. Mabubusog ka sa lahat ng iluluto niya." Sabi pa ni Papa.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon