Part 9

44 2 0
                                    

Liza's POV

Pag labas namin ni Mama ng kwarto ni Simon ay napansin ko si Hermes na nakaupo doon sa visitors chair sa labas ng kwarto ng pinsan ko. Tahimik ito at nakatulala lang at kay lalim ng iniisip. Hindi nga kami napansin ni Mama.

Tiningnan ko si Mama kaya tumango lang siya sa akin.

"Hihintayin nalang kita anak. Bibisitahin ko lang sandali ang Lola Margs bago tayo umuwi." Sabi sa akin ni Mama.

"Lapitan mo na siya. I know he needs someone more than anything right now. Kailangan niya ng makakausap." Sabi pa ni Mama. Tumango ako dito.

Dahan dahan kong nilapitan si Hermes. Mukang malalim talaga iyong iniisip niya dahil hindi niya nga ako napansin ng tumabi ako sa kanya. Napabuntong hininga pa ako.

"It's not your fault, Hermes. Wala naman may gusto ng nangyari." Sabi ko dito habang nakatingin ako sa kanya.

Dahan dahan naman itong lumingon sa akin. Kitang kita ko sa mga itim na mata niya iyong lungkot sa nangyari. Hinawakan ko iyong kamay niya kaya napatitig siya sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"It's not your fault." Ulit ko.

"Walang may gusto ng nangyari. At alam ko kung gising man ngayon si Simon. Hindi niya gugustuhin na sisihin mo iyong sarili mo dahil sa iniligtas ka niya. Ginawa niya iyon kase mahalaga ka sa pinsan ko." Dagdag ko pa.

"I can't help it. Kahit sinasabi nyong lahat na hindi ko kasalanan ang nangyari hindi iyon ang nararamdaman ko. I feel the guilt. Ako dapat iyong nakahiga sa hospital bed hindi ang kaibigan ko. Ako dapat iyong nabaril hindi siya." Malungkot na sabi nito.

Medyo nakakatakot din iyong boses ni Hermes. May bahid kase ng galit. Ramdam na ramdam ko sa bawat salitang binibitiwan niya.

"Hermes, don't say that." Sabi ko lang sa kanya.

"My friends. They all I have." sinulyapan niya ako.

"I don't want them to get hurt because of me. Pero nangyari na nga kay Simon. And I can't do anything about it! That's fucking hurt, Bless Elizabeth! Na makita ko iyong kaibigan ko na nasa ganyang kalagayan at wala manlang akong nagawa?" Napalunok ako.

Ramdam na ramdam ko kase iyong galit nito. Napaluha ako kahit ayoko sana pero ang bigat kase ng nararamdaman nito habang kausap ko siya.

"Galit na galit ako sa sarili ko kase wala manlang akong magawa ngayon para sa kaibigan ko kung hindi ang hintayin siya na magising. Pero siya walang pag aalinlangan ng saluhin niya iyong mga bala na para sana sa akin. Hindi ko alam kung magigising pa si Simon. Kase kung hindi. Hindi ko alam kung mapapatawad ko iyong sarili ko. Ako dapat iyon!" Sabi pa nito.

Napasabunot pa ito sa buhok niya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Hermes. He look like a lost child.

Niyakap ko siya kase ramdam na ramdam ko iyong pag hihirap niya. Mas yumakap ito ng mahigpit sa akin. Tapos yumugyog iyong balikat niya.

Kagat kagat ko iyong labi ko para pigilin ko iyong paghikbi ko. Hermes is crying. Ngayon lang siya nagpakita ng ganitong reaksyon. He was emotionless . But now. He is really hurt for what happened.

"I don't want him to die. Parang kuya ko na siya. Sila lang nila Mattheo ang mayroon ako. Mahalaga sila sa akin. It's all my fault." Umiiyak na bulong nito.

"It's okay. Everything is going to be okay. Just let it out. Hindi masamang ipakita na mahina ka. At hindi dahil umiiyak ka. Ibig na nun ay mahina ka. Tao ka lang. Hindi sa lahat ng pagkakataon pwede mong ipakita na malakas ka. Ayos lang ang umiyak. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalake ang pag iyak." Sabi ko sa kanya habang nag iiyakan kaming dalawa.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon