Part 20

42 3 0
                                    

Liza's POV

"Anak, aalis na kami ng Kuya mo. Papapuntahin ko nalang dito si Vivien para makasama mo hangga't hindi umuuwi si Hermes. O gusto mo doon ka muna matulog sa bahay hangga't wala ang asawa mo." Sabi pa sa akin ni Mama. Umiling ako.

"I'll be fine, Ma. Don't worry about me." Sabi ko kay Mama.

Nag paalam na sila ni Kuya. Kumaway pa nga ako ng makaalis ang mga ito. Isasara ko na sana iyong gate ng biglang may sasakyan na huminto sa harapan ko. Halatang mamahalin iyong sports car na sakay nito.

Napataas iyong kilay ko ng makilala ko iyong babaeng umibis doon. Napatayo ako ng tuwid. Taas kilay itong lumapit sa akin. Ako namay ay humalukipkip.

"Ow! Kaya naman pala nag amoy social climber dito sa village namin. Nandito ka pala? Ay, teka! Bakit pinapasok ka dito sa village namin? Bawal impokrita dito. Nice car by the way. Pero sana ibinagay mo naman sa pag uugali mo." Nakangising bungad ko dito hustong paglapit niya sa akin.

"Ano bang sinasabi mo?" Bait baitan na tanong pa nito sa akin. I smirked.

"Huwag kang mag inarte. Wala dito si Hermes kaya ilabas labas mo iyang tunay mong ugali. Hindi bagay sa kagaya mo. Huwag kang plastic. Baka sinugin pa kita." Pagtataray ko dito.

Gusto kong mapahalakhak ng tawa ng makita kong namula iyong muka nito at lumaki iyong butas ng ilong sa inis sa mga sinabi ko.

"Akala ko pa naman mabait ka? Pero may pagkamaldita ka pala? Ang talas ng tabas ng dila mo." Sagot naman nito sa akin.

Taas noong sinalubong ko iyong mapang uyam niyang ngiti. Magaling talaga.

"Mabait naman talaga ako, Besh! Iyon nga lang may binabagayan din kase iyong ugali ko. Kapag impakta iyong nasa harapan ko at kausap matalas talaga akong magsalita. Katulad mo! Look at you!" Itinuro ko pa siya.

"Bagay na bagay besh iyong suot mo. Ahas na ahas ang datingan natin. Balat na balat mo. Pati iyang bag! Ang tigas ng pagkakagawa. Kagaya ng muka mo! Ang kapal kapal para magpakita dito." Seryosong sabi ko.

Napamaang ito sa mga sinabi ko. Ngumisi na naman ako dito ng nakakaloko. Mukang hindi siya nakapag handa sa mga sinasabi ko. Akala siguro niya madadaan niya ako sa sindakan dahil kilala ako sa school namin dati na mabait at hindi mataray.

Mabait naman talaga ako huwag lang sa mga kagaya niyang babae. Pero iba ngayon. Hindi ako pinalaki ni Zacharias at Elizabeth para lang magpatalo sa ganitong klase ng babae. Hindi ako Fontanilla kung magpapaapi nalang ako basta basta. Isa kaming malaking pang asar.

"Oh, bakit wala kang masabi ngayon? Pupunta punta ka dito tapos tatanga ka lang sa harapan ko? Oh, come on. Ilabas mo iyang pang famas na actingan mo. Mahihiya si Judy Ann Santos sa pag iyak iyak mo. Sobrang galing. Ako na ba ang magsasabit sa iyo ng medalya?" Sabi ko pa dito.

Inismiran niya ako at humalukipkip din siya sa harapan ko.

"Ang galing talaga Liza. Gusto ko ng matakot at umalis sa mga sinasabi mo. Pero tingin mo ba sino ang mas papaniwalaan sa atin ni Hermes? Ikaw kaya o ako? Ano sa tingin mo?" Mapang asar na sabi nito sa akin.

Humalakhak pa siya na parang isang mang kukulam. Iyon ang tingin ko sa kanya ngayon. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Pinipigil ko lang iyong sarili ko kase baka masuntok ko ito sa muka ano mang oras sa bwusit ko dito.

I won't give in. Alam kong may balak siyang palabasin kaya siya nandito at sinasadyang sagarin ang pasensya ko. I sighed.

"What do you really want, Chan Mi? Gusto mo ba talagang sagarin ang pasensya ko at gusto mong umuwi ng may black eye sa muka? Baka hindi kayanin ng plastic surgery sa korea ang gagawin ko sayo?" Sabi ko pa sa kanya.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon