Liza's POV
Maganda ito. Napakasimple niya lang pero ang amo amo ng muka niya. Ni wala nga siyang make up pero makinis ang muka nito.
Tapos ang suot niya lang isang puting t'shirt at pants. Isang tingin ko palang sa kanya alam ko ng seksi ito. Tapos ang kinis kinis ng balat nito na hindi mo aakalain na hirap siya sa buhay.
Sinong mag aakala na isa siya sa mga kasambahay ng mga Dela Merced? Mukang mas amo pa nga siya kasya kay Tita Lorraine kung mabibihisan lang ng maganda si Ronna. Halata rin dito na napakabait niyang tao.
Napapalatak ako. Kaya naman pala siya pinag aagawan ng Kuya Blood at Lordon. Kase talagang maganda si Ronna Mae para siyang iyong mga koreana sa tv. Ganung ganun siya.
Pero pansin ko na mukang labag sa kalooban niya ang sumama sa akin. Napilitan lang siya dahil sa pinayagan siya ng amo niya. Mukang allergic din siya sa mga mayayaman na mapag panggap.
Napanguso ako ng salubungin kami ng Kuya ng makarating kami sa Hacienda. Halatang gustong gusto ni Kuya Blood si Ronna. Pero parang wala naman akong makita na pagkagusto ni Ronna sa Kuya ko. Mukang assuming lang talaga ang kapatid ko.
Nakakaawa naman ang Kuya Blood kapag nagkataon. Minsan nalang magkagusto bokya pa yata.
Buti pa itong si Ronna Mae pinag aagawan. Samantalang ako. Ako iyong nakikiagaw sa patay gutom kong asawa na missing in action na naman.
Kapag umuwi iyon aakitin ko siya ng mga iluluto at ibabake ko. Like I say. Patay gutom iyon kaya hindi siya makakatanggi. Iyon ang kahinaan niya. Pagkain. Pagkain na masasarap. Tingnan ko lang kung matanggihan ako nito.
"Ay shit!" Sigaw ko ng bigla nalang may bumunggo sa akin.
Nag angat ako ng tingin at ganun nalang ang pagkagulat ko. Iyong mga mata ko ay halos lumuwa na.
"Hermes?" Nanlalaking mata na paninigurado ko pa.
Tapos nakita ko si Mattheo at Gabriel na nakangisi sa akin. Mukang si Mikhael iyong nagtulak kay Hermes sa akin. Tinanguan pa ako nito.
"Magtatago ka pa! Makikita ka din naman ni Liza mamaya kase ikaw na naman iyong mauuna sa kainan." Narinig ko pang sabi ni Gabriel pero hindi ko siya pinansin.
"What are you doing here? What I mean is, hindi ba at nasa Mindanao ka? Why are you here? At bakit naka sling iyang kaliwang braso mo?" Sunod sunod na tanong ko.
"Mission failed! Nakarma iyang si Hermes. Sira ulo kase. Buti nga at hindi natuluyan." Makahulugang sabi ni Mattheo sa akin.
"Mind your own business Mattheo." Masungit na sabi dito ni Hermes.
"Sabagay! Pero matagal mamamatay si Hermes. Masamang damo iyan." Sabi ni Gabriel at nagtawanan silang magkakaibigan.
Hindi alintana iyon masamang tingin na ibinibigay ng kaibigan nila.
"What happened?" Nag aalalang baling ko kay Hermes.
Tinitigan na naman niya ako tapos napabuntong hininga na nag iwas ng tingin sa akin.
"I got shot." Simpleng sagot nito. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko ulit. Nag iwas siya ng tingin.
"Last week pa ako dumating dito sa hacienda. Medyo nagpagaling pa ako." Napapabuntong hininga na sabi nito.
"You got shot? Bakit hindi sinabi sa akin? I'm your wife! Dapat ipina alam mo sa akin! Kila Papa?" Tanong ko dito. He just shrugged his shoulder.
"Hindi rin alam nila Papa. Kahapon ko lang ipinaalam sa kanila. Ayokong mag alala sila. It's just a gun shot. Nothing more. Buhay pa naman ako. See?" Bale walang sabi pa nito.

BINABASA MO ANG
Distance
General FictionEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: